Chapter 60 : Perez Siblings

49 4 14
                                    

Taehyung's Point of View.

"Kuya, matutulog muna ako ah." sabi ni Yeri sa 'kin at sumandal saka pumikit.

"Edi matulog ka, bakit sasabihin mo pa sa 'kin?" nakatawang sabi ko.

"Para aware ka." Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Gisingin mo 'ko kapag nando'n na tayo, okay?"

"Ayoko nga. Magising ka mag-isa mo." I joked then she made a whining sound. "Joke lang! Sige na, sleepwell." Tinapik ko nang dalawang beses ang ulo niya.

Ayon nga, papunta kami kina Tita, kapatid ni Papa, para bisitahin sina Abuela at Abuelo, at syempre sina Tita rin at 'yung mga pinsan kong hindi ko masyadong ka-close. Pinag-absent muna nina Mama si Yeri ngayon pero nagpadala naman sila ng excuse letter sa school.

Ilang oras din ang byahe bago kami makarating. Nakakatulog nga ako pero nagigising din agad.

Nag-park si Papa sa tapat ng bahay nina Tita. Bumaba na kami ng kotse at naglakad papunta sa may gate.

Kumatok si Mama sa gate, "Tao po! May tao ba d'yan?"

May lumabas na lalaki mula sa pinto na mukhang kaedad lang ni Yeri. Hindi ko maalala ang mga pangalan ng mga anak ni Tita kasi hindi ko naman sila ka-close.

"Hello po." nahihiyang bati niya. "Come in." Pinagbuksan niya kami ng gate at pumasok naman kami sa loob ng bahay nila.

Nahihiya pa kami ni Yeri kasi minsan lang kami pumunta rito at hindi ko sila ka-vibe, sa totoo lang.

Tahimik lang kami ni Yeri na umupo sa sofa.

"Hello!" pagbati ni Tita Perez (last name nila 'yon) at nag-hello na lang din kami pabalik. "I know you probably forgot your cousins' names so, I'll introduce them to you two. This is Mark," tinuro niya 'yung lalaki kanina. "this is Lucas," tinuro naman niya 'yung matangkad na lalaking mukhang mas matangkad pa sa akin. Higante ba 'yan? "and this my eldest, Wendy." tinuro niya naman 'yung babaeng nakaupo sa kabilang sofa.

Hala! Kapangalan pala ng nanay ni Jimin ang isa kong pinsan.

"Mark and Wendy both were born in Toronto, Canada, while Lucas is adopted. Nakuha namin siya sa isang orphanage 15 years ago sa Hongkong noong nagbabakasyon kami do'n." dagdag pa ni Tita.

"Kapangalan ni Tita Park si Wendy." bulong ko kay Yeri at napalingon naman siya sa 'kin.

"Talaga?" bulong niya pabalik saka tumawa. "What a coincidence."

Inimbita kami ni Tita sa hapagkainan para kumain ng lunch. Nahihiya pa kaming naglakad sa dining area.

Nakapwesto na kami rito at maya-maya ay nakita kong bumababa sina Abuela at Abuelo kasama si Tito Perez.

"Mga apo!" Nagulat si Abuela nang makita kami. "Taehyung, Yeri, kumusta na kayo? Namiss ko kayo ah. Lalo na 'yung sunflowers na binibili mo sa 'kin, Taehyung-ah."

"Namiss ka rin po namin, Abuela. Pasensya na po, hindi na ako nakakabili." I smiled a bit. "Oh, by the way, Jimin said hello." My cheeks redden when I mentioned Jimin's name.

"Okay lang, apo." tinapik niya ako nang bahagya sa balikat. "Oo nga pala. Si Jimin-ssi, kumusta na rin?"

"Uhm, ayos lang naman po siya."

Siniko ako ni Yeri bilang pang-aasar kaya siniko ko rin siya pabalik.

Umupo na silang tatlo sa mga bakanteng upuan na natitira saka kumain na kami. Napakatahimik ng paligid, hindi ako sanay.

"So..." panimula ni Wendy, "Taehyung, Yeri, tell us about yourselves."

"Well, uhm, I'm in 4th year college." sabi ni Yeri, "Tumigil ako nang dalawang taon, secret kung bakit." Muntik akong matawa do'n sa 'secret kung bakit' tapos nag-hehe pa siya. "I... uhm,"

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon