Chapter 38 : Nonsense

42 2 18
                                    

A/N: dialogue in bold is Korean.
-

Taehyung's Point of View.

Alas syete na nang makauwi kami at tumambay muna ako rito sa bahay nina Jimin, nakaupo sa sofa. Kasalukuyang nasa kwarto siya ngayon at nagpapalit ng damit. Wala rito si Tita Park, hindi ko alam kung nasaan.

"Hi, Taehyung hyung." May medyo lalaking kamukha ni Jimin na umupo sa tabi ko. Si Jihyun, 'yung younger brother niya.

"Hello, Jihyun!" nginitian ko siya nang bahagya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Why are you here?" mataray na tanong niya. Tinignan ko siya nang nagtataka. Attitude 'to ah.

"Bakit, masama ba?" Tinaasan ko rin siya ng kilay at mataray na nagsalita.

"Do you like my Jimin hyung?" he asks in Korean.

"No." Yes.

"Then why are you here?" Bakit ba ako nito kinakausap ng Korean?

"Anong masama do'n?" tanong ko pabalik.

"If you don't like my hyung then why do you even bother to come here?" Naririnig niya bang mga sinasabi niya?

Of course, I like Jimin.

"Nandito ako kasi bestfriend ko siya. We do this almost everyday, pumupunta rin siya sa bahay, 'di ba. Ayan oh, katapat lang." Tumuro pa ako sa labas. "Seven years ka lang nawala, para namang hindi ka sanay."

Alam ko na kung bakit hindi sila masyadong close ni Jimin at hindi ko siya ka-vibe.

He sighs, "I don't even like here. My dad is in Korea and I kinda wanna go back." Nabigla ako sa sinabi niya.

"Bakit ka pa bumalik kung ayaw mo pala rito?" malumanay na tanong ko sa kaniya.

"Dad told me to. It took him several days to finally convince me." Nakatingin lang siya sa sahig. "Sorry for what I said earlier, maybe I'm not used to it anymore because as you said, it's been 7 years."

"It's okay." I carress his back. "If you don't mind me asking, bakit ayaw mo rito?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Taehyung hyung," Nag-hum lang ako bilang sagot. "I'll ask you once again. Do you like Jimin hyung?"

Bumuntong hininga ako. Ibinuka ko ang bibig ko at magsasalita na sana nang may biglang nagsalita rin.

"Yo, what's up?" Si Jimin. Lumapit siya sa 'min at umupo naman siya sa kabilang tabi ko. "Anong pinag-uusapan niyo? Mind sharing it with me?"

Tumingin ako sa kaniya at umiling, "W-wala, nonsense."

"Eh," he pouts, "Taetae, so unfair. Ano ba 'yon?"

"Wala nga." sabi ko at tumawa. "Jimin, uwi na ako."

Mas lalo siyang nag-pout, "Aw, ang bilis naman. Ano 'yon, hinintay mo lang akong matapos magbihis?"

Tumawa ako nang malakas, "Oo, gano'n nga. Atsaka kailangan ko na ring magbihis, mag-i-skin care pa ako."

"Ang aga pa." hinampas niya pa ako sa hita. Pervert. "Skin care, skin care ka pa d'yan, maganda ka naman."

"Oh." Taehyung, bawal kiligin. Bawal. "Palibhasa kasi ikaw, sabon at tubig lang skin care mo, tapos makinis na talaga 'yang balat mo."

"Thanks." tumawa pa siya. "Sige na, uwi na. Ang layo pa naman ng bahay mo." sarkistong sabi niya.

"Oo nga sobrang layo, mata-traffic ako." Sabay kaming tumawa. "Sige na, uuwi na ako."

"See you!" sabi niya habang nakangiti. Natunaw na naman ako.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at nginitian si Jimin, "Bye, see you!" Nilingunan ko rin si Jihyun, "Bye, Jihyun." Tumango lang siya bilang sagot.

Lumabas na ako at naglakad papunta sa bahay namin. Nakasabay ko si Yeri. Aba, mabuti nama't nakauwi na siya. At bakit hindi niya kasama si Jungkook?

"Oh, hindi ka sinundo ni Jungkook?" tanong ko sa kaniya. Binuksan ko ang pinto at pumasok na kami sa loob.

Umupo siya sa sofa, nang hindi pa tinatanggal ang sapatos at bag, saka bumuntong hininga. "Hindi niya ako masyadong pinapansin kanina, nakatingin lang siya sa phone niya. Hinatid niya lang ako hanggang sa gate."

Nilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at umaktong parang na-offend ako. "Aba'y grabe naman siya. Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Ngumingiti-ngiti pa do'n sa cellphone niya. Hanggang sa gate niya lang ako hinatid kasi raw may pupuntahan pa siya. What the heck, hindi naman siya gano'n eh."

"Baka urgent kaya gano'n?" nagtatakang tanong ko. Umupo na rin ako sa sofa.

"Kahit naka-urgent siya, ihahatid niya ako hanggang dito. Feeling ko tumitigil na siya sa panliligaw kahit ilang araw pa lang ang nakalilipas. Masyado ko ba siyang pinaghihintay, Kuya?" Bumuntong hininga siyang muli.

Umiling ako, "No, Yeri. 'Wag mong isipin 'yan, okay? Malay mo talagang urgent na urgent kaya siya gano'n kanina. Sinabi niya bang ihahatid-sundo ka niya ulit bukas?"

"Hindi nga siya nagsalita pagkahatid niya sa akin sa gate. Nang magba-bye ako, kumaway lang siya." she pouts.

"At least kumaway pa." tumawa ako. "Hayaan mo na, Yeri. You can just ask him tomorrow, okay? 'Wag kang mag-isip ng kung ano-ano." I ruffle her hair.

Ngumiti siya nang bahagya, "Thanks, Kuya." Inalis niya sa balikat niya ang bag niya at tinanggal na rin ang sapatos. "Bihis lang ako."

"Ako rin eh, magbibihis." sabi ko at tumawa.

Nilagay niya sa tamang lalagyanan 'yung bag at sapatos niya. "Saan ka ba galing?"

"Kinuha ko 'yung sweldo ko tapos nag-date kami ni Jimin. Nag-resign na ako sa company." sagot ko at mabilis siyang lumingon sa 'kin.

"Nag-date kayo ni kuya Jimin?" she smirks, "Kumusta naman?"

"It went well, we had fun. Muntik nang maubos 'yung pera ko pero okay lang, everything is worth it when it comes to him." I smile. Hindi ko mapigilang mag-blush.

Tinignan niya ako nang mapang-asar, "Tsk, you're really in love, Kuya."

Tumawa ako nang marahan, "Well..."

Jimin's Point of View.

"Anong pinag-usapan niyo kanina, Jihyun?" tanong ko sa kapatid ko nang makaalis na si Taehyung ng bahay namin.

"Nothing." sagot niya sa monotone na boses.

"Anong wala? Nakita ko kayong nag-uusap tapos wala?"

"As what he had said, it's nonsense!" Pinagtaasan niya ako ng boses.

"Don't raise your voice at me! If it's really nonsense then why don't you just tell me?" Pinagtaasan ko rin siya ng boses.

"Ano ba! Bakit ba kayo nagsisigawan d'yan, ha? Bigyan ko kaya kayo ng tig-isang kutsilyo, oh ano?" Biglang dumating si Mama.

"Sorry, Mom." sabi ni Jihyun at bumuntong hininga lang ako.

"Pwede ba? 'Wag kang mag-Korean, Jihyun, wala ka sa Korea." sabi ni Mom kay Jihyun at naglakad papunta sa kusina. "Jimin, maghain ka na, kakain na tayo!" halos sigaw niya.

Sinamaan ko nang tingin saglit si Jihyun bago sumunod sa utos ni Mom.

Ano bang nangyari sa kaniya sa Korea at nagkakagan'yan siya?
-

A/N

ʼNonsenseʼ ang title kasi nonsense din itong chapter na ito, pang-filter lang ganon >< sorry, short UD lang :((

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon