Chapter 42 : Make Up

55 3 22
                                    

Taehyung's Point of View.

Nasa hapagkainan kami at biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong lamesa, sa tabi ng plato ko.

"Tumatawag si kuya Jimin oh. Yiee!" Sinamaan ko lang ng tingin si Yeri kaya tumahimik siya.

"Hayaan mo, titigil din 'yan." sabi ko at nirolyo ang mga mata ko.

"Ngayon naman kayong dalawa ni Jimin ang hindi magkaayos, ha? Kayong dalawang magkapatid," tinuro pa ni Mama kaming dalawang ni Yeri, "anong problema niyo?"

"Ma, bakit nadamay ako?" tanong ni Yeri at sumubo ng pagkain. "Kuya, magkaaway ba kayo ni kuya Jimin?"

"H-hindi naman." bumuntong hininga, "Naiinis lang ako."

"Ano bang nangyari?" tanong ni Mama, "Sabihin mo sa 'min."

"Kasi ano... we almost kissed."

Nagulat kami kay Papa nang bumuga siya ng kanin mula sa bibig niya. Si Yeri naman ay tawang-tawa.

"Pa, inom po kayo ng tubig." sabi ni Yeri habang tumatawa pa rin.

"Ayos ka lang po, Papa?" tanong ko at tumawa na rin kasi natatawa ako sa tawa ni Yeri.

"Jusko naman, Taehyung, 'wag mo 'kong binibigla sa gan'yan." sabi niya at tumawa. "Sige na, continue."

"Sorry naman po." Tumawa ako at umiling-iling. "So ayun nga, we almost kissed."

"Naiinis ka kasi muntik na kayong mag-kiss?" tanong ni Yeri.

"I mean, kasi...akala ko he's going to kiss me. Nag-panic pa'ng utak ko at hindi ko alam ang gagawin. Pero 'yon pala, nilapit niya lang 'yung mukha niya sa mukha ko para i-inform na may dumi sa ngipin ko. Nakakainis 'di ba?" At sabay-sabay silang tumawa. Aba!

"Alam mo, anak, assuming ka." sabi ni Mama. Alam ko naman 'yon.

"Eh Ma, kasi naman, sasabihin lang sa akin na may dumi sa ngipin ko, ilalapit niya pa ang mukha niya? Nakakainis talaga!"

"Baka naman iki-kiss ka talaga niya pero hindi niya na lang tinuloy. Minsan kasi Kuya, pwede ka namang mag-assume." sabi naman ni Yeri.

"Kapag nag-assume ako, sasabihin niyo assuming ako. Tapos ngayon, sasabihin niyo pwedeng mag-assume? Nakakaloka kayo, ha!" I huffed. "Palibhasa kasi may boyfriend ka na kaya mo 'yan sinasabi." sabi ko nang nakatingin sa kapatid ko.

"Anong boyfriend?" Napatingin ako kay Mama tapos nagkatinginan kami ni Yeri. Lagot.

"Uhm...kasi po..." Tapos tinignan ko si Yeri nang 'sige-na-sabihin-mo-na' look.

"Ma," huminga muna siya ng malalim. "Ma, kami na po si Jungkook." nahihiya niya pang sabi.

"Ano?" halos sabay nilang sabi ni Papa.

"Sorry, Ma. I'm sorry." kunwari pang umiiyak si Yeri.

"Hindi, hindi, ayos lang. Hindi naman kami galit, nagulat lang." sabi ni Mama at tumawa. Ayon naman pala eh. "Congrats! I-invite mo rito si Jungkook bukas at dito na mag-umagahan." Aba, wow!

"Oh ikaw, Taehyung, kailan ka magkaka-girlfriend or boyfriend?" tanong ni Papa sa 'kin. Kadiri 'yung girlfriend.

"Kasi Pa, ang bagal ni Jimin eh." nag-pout ako. "Kapag talaga ako nainis, liligawan ko na 'yon."

"Ang weird, Kuya—aray!" hinampas ko kasi siya. "Edi ligawan mo na."

Bigla akong nangilabot. I can't imagine myself courting someone. "Huwag na pala, hindi ako marunong."

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon