Chapter 13 : Abuela Kim

71 6 0
                                    

Taehyung's Point of View.

Jiminnie ❤️:

tapos ka na? uwing-uwi na ako. iwan na kaya kita? HAHAHAHA

Me:

hala, grabe ka namaaan :(( wag mo ko iwan huhu matatapos na ako, wait lang last na to, mga ilang shots na lang daw hehe wait ka lang dyan, atat ka naman ih :((

Jiminnie ❤️:

oo na HAHAHAHA bili lang ako sa mcdo. anong us2 mo?

Me:

ikaw- ay joke lang.

us2 q cheeseburger w/ fries hihi baet muh talaga hehe labyu <3

Jiminnie ❤️:

tanga bayaran mo ko HAHAHAHAHA joke lang. bilisan mo na jan ha, kundi iiwan na kita haeop

Me:

oo na po, g r r

"Taehyung-ssi, are you ready?"

Ibinaba ko na ang phone ko at nilapag sa lamesa. "Ah, yes, opo." sagot ko at ngumiti.

"Good. Okay, last shots na 'to. I want fierce, okay? Bagay na bagay sa 'yo ang fierce kasi maganda ang mukha mo, napaka-symmetric. Okay, fierce!" Kunwari hindi ako kinikilig do'n sa compliment ng photographer. Kunwari lang.

"One, two, three... fierce."

Ilang minuto rin tumagal 'yung last shots. Kinuha ko na ang cellphone ko at nagpaalam na sa kanila. Naghihintay na 'yung boyfriend- este, bestfriend ko sa labas, atat pa naman 'yon.

Pagkalabas ko ng building ay bumungad si Jimin na may masamang tingin. Hala?

"Problema mo?"

"Ang tagal mo! Alam mo, dapat ako na lang ang nag-picture sa 'yo tapos i-send na lang natin sa kanila." nakangusong reklamo niya.

"Jiminnie, lagi ka na lang nagrereklamo, kulang na lang ay sumugod ka sa baranggay." pagbibiro ko sa kaniya kaya mas lalo niya akong sinamaan ng tingin.

"Reklamador ako eh, gano'n talaga." Umirap pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. "Bahala ka d'yan, wala kang burger at fries."

Napabalikwas naman ako, "No, Jimin hyung, I want my cheeseburger and fries."

"Apologize first." seryosong sabi niya. Teka, seryoso ba talaga siya?

"Are you serious right now?" tanong ko kasi gan'yan lang siya kapag naiinis siya.

"Mukha ba akong nagbibiro, Kim Taehyung?" Sabi ko nga, seryoso siya.

"Fine. I'm sorry. Kasalanan ko bang matagal 'yung shoot? Sorry din kasi pinilit kitang sumama rito. I'm really sorry, hyung." I'm being humiliated right now, I hate it.

Ngumiti siya, "Good. Let's go."

"Teka, 'yung burger atsaka fries ko?" nakakunot-noong sabi ko habang nakalahad ang palad ko sa kaniya.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon