Chapter 14 : The Diary

65 5 0
                                    

Jimin's Point of View.

"Yoongi-ah, tignan mo 'to!" excited na sigaw ni Hoseok hyung nang pumasok siya ng flower shop ni Yoongi hyung.

Nakatambay ako rito kasi hinihintay ko si Taehyung, may photoshoot na naman kasi. Dito na lang daw kami magkita para hindi na ako maghintay sa labas ng building ng pinagshu-shooting-an niya. He's a part-time model, if ever you're wondering.

"Ang ganda oh, nabili ko sa palengke. Nakalimutan ko kung anong tawag dito, sinabi sa 'kin ng tindera eh. Uhm, esme... esmerald... emerald... hindi ko maalala." napakamot pa sa ulo si Hoseok hyung.

"Smeraldo." sabi ni Yoongi hyung. "Smeraldo means emerald."

"Emerald? Pero bakit blue?" tanong ko.

Napakaganda no'ng bulaklak. Kulay asul ito na may konting pink, purple at white. Basta maganda.

"Hey, guys! Hoy, ano 'yan? Ang gandang bulaklak." Nandito na pala si Taehyung.

"Alam niyo ba na ang Smeraldo flower ay hindi talaga nag-e-exist?" Lahat kami ay napakunot ng noo.

"What do you mean?" tanong kong takang-taka pa rin.

"Paano ko ba ie-explain?" pagkamot niya sa gilid ng leeg niya. "There's a story behind the Smeraldo flower. Wanna know it?" Tumango kaming tatlo nina Hoseok hyung at Taehyung.

Kinuwento niya ang tungkol sa Smeraldo flower. Habang nagkukwento siya, pakiramdam ko ay nando'n ako sa istorya. Sobrang pamilyar ng istorya na para bang karanasan ko 'yon mismo.

"Oh, no! The girl died? Paano na? H-hindi nasabi ng hari 'yung feelings niya? Hala!" naiiyak na sabi ni Taehyung. "Ang lungkot naman."

Tumango si Yoongi hyung. "Many people discovered that Smeraldo flower doesn't really exist, pero pwede kang gumawa ng sarili mong Smeraldo flower. Kagaya nito." pinakita niya 'yung bulaklak na binili ni Hoseok hyung.

"Wait, nalulungkot ako. Bakit naman gano'n? Kung sa umaga sana nagbebenta 'yung dalaga, edi-"

"Babe, kalma. It's just a story." hinawakan ni Yoongi hyung ang kamay ni Hoseok hyung.

"Kaya mo bang gumawa ng Smeraldo, Yoongi hyung?" tanong ni Taehyung kay Yoongi hyung na inilingan naman nito. "Sayang."

"Taehyung, bibili ka ba ngayon?" Umiling si Taehyung sa tanong ni Yoongi hyung.

"Taehyungie, let's go." tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Okay." ngumiti siya nang malapad. So pretty. "Bye, Yoongi hyung. Bye, Hoseok hyung."

Nagpaalam na kami do'n sa dalawa bago umalis ng flower shop.

"Taehyungie, hindi na kita masasamahan sa bahay ni lola Kim, ha? I need to take care of my little cousin."

He pouted, "Okay lang, Jiminnie. Ingat ka." Wala bang 'I love you' d'yan?

"Yeah, ikaw rin. Ingat ka, tanga ka pa naman." Tumawa ako nang hinampas niya 'ko.

"Grabe ka talaga!" he pouted. "Sige na, bye. See you later."

"See you."

Niyakap namin ang isa't isa bago maghiwalay ng daan.

Taehyung's Point of View.

Nag-tricycle na lang ako papunta sa bahay ni abuela kasi tinatamad akong maglakad at medyo malayo rin kasi 'yon kung lalakarin.

Nang makarating ako do'n ay kumatok muna ako bago pumasok. "Abuela, nandito na naman ako!"

"Oh, Taehyung. May photoshoot ka ulit kanina?" tanong niya at tumango naman ako. "Bakit hindi mo kasama si Jimin?"

Umupo ako sa sofa at bumuntong hininga. "Kailangan niya raw pong bantayan 'yung pinsan niya." sagot ko at ngumiti nang bahagya. "Pasensya na, abuela, wala akong dalang bulaklak ngayon. Ang mahal kasi ng sunflower, konting pera lang dala ko."

"Okay lang, apo. Kumain ka na ba?" sabi ni abuela habang nagpupunas ng salamin niya sa mata.

"Hindi pa po eh. Ano pong ulam niyo? Hehe." Low budget ako ngayon, P50 lang dala ko.

"Adobo." nakangiting sagot ni abuela. "Osiya, pumunta ka na do'n sa hapag at ipaghahain kita."

"Okay po."

+++

Mama:

Nanjan ka ba sa lola mo? Pupunta rin kami dyan,, tas sabay ka na samin... Kasama mo rin ba si Jimin?

Me:

hindi ko kasama si Jimin

Hindi na ako naghintay ng reply at ini-off ang phone ko.

"Abuela, akyat lang po ako." pagpapaalam ko at umakyat sa storage room. Nakita ko 'yung isang maliit na kama na pabilog.

It's Oreo's small bed. I miss him so much. He passed away when I was 13 years old. Hinabol kasi siya ng lintik na napakalaking aso na nakawala sa kapitbahay. Grabe, sobra 'yung iyak ko noon.

Sa tabi ng small bed niya, napansin ko ang isang maliit na baul. Naintriga ako kaya lumapit ako do'n. "Hmm, ano kayang meron dito sa baul ni abuela?"

Pinagpag ko muna, kasi sobrang maalikabok na, bago ko ito buksan. Feeling ko nagliwanag 'yung loob. Napukaw ng atensyon ko ang isang brown na notebook.

Kinuha ko ito at pinagpag dahil maalikabok din. "Ano ito?" Alam kong masama ang mangialam pero naiintriga talaga ako kaya binuklat ko ang notebook sa unang pahina nito.

"Talaarawan ni Emilia Imperial." pagbasa ko. Sino si Emilia? Binuklat ko ang susunod na pahina.

Magandang araw!

Ito ang aking talaarawan. Dito nakapaloob ang lahat ng maikukwento kong pangyayari sa buhay ko sa araw-araw. Itong talaarawan na ito ay magsisilbing alaala ko kung sakaling mawala na ako sa mundong ibabaw. Sa kung sino man ang makakakuha o makakabasa ng talaarawan na ito, nawa'y alagaan niyang mabuti ang bagay na ito sapagkat kagaya nga ng binanggit ko ay magsisilbi itong aking alaala.

Nagmamahal,
Emily.

Tagalog na Tagalog, feeling ko magdudugo ang ilong ko. Pero nakakaintriga ang makakita ng ganitong diary. Balik ulit tayo, sino si Emilia?

Sinara ko na ang baul at dinala ang diary ni Emilia sa pagbaba ko sa sala.

"Abuela, sino si Emilia?" Napatigil ako nang ma-realize ko na nandito na sina Mama at Papa.

"Hello, anak!"

Lumabas ng kusina si abuela na may dalang tasa ng kape, "Anong sabi mo, apo?"

"Kako po, sino si Emilia?" sabi ko at ipinakita kay abuela ang diary.

"Oh. Emilia Imperial." nakangiting sabi niya. Sino nga 'yon? "Siya ang bestfriend ng aking lola."

"Po?"

"Halika at may ikukwento ako sa 'yo." Pumunta kami sa sofa at umupo. "Gaya nga ng sabi ko, si Emilia ang bestfriend ng aking lolang si Teresa." panimula niya at kaming tatlo nina Mama at Papa ay nakatingin lang kay abuela habang nakikinig.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon