Chapter 67 : Accident

53 2 21
                                    

Taehyung's Point of View.

"Jiminnie, I miss you already." sabi ko sa kabilang linya ng tawag.

"Kasasakay ko pa lang ng eroplano. Don't worry about me." he said and I can feel him smiling.

"I'm scared that something might happen to you." ngumuso ako at bumuntong hininga ako. "Mag-iingat kayo, okay?"

He chuckles, "Of course, mag-iingat kami. 'Yung piloto kamo ang mag-ingat, ayusin niya pagmamaneho niya."

Tumawa ako saglit. "I-text mo 'ko kapag nasa Busan na kayo, okay?"

"Kahit hindi mo sabihin, ite-text talaga kita." he laughs. "Sige na, aalis na 'yung eroplano. See you soon. I love you, baby!" Napangiti ako dahil do'n.

"Ayie~ may pa-I love you pa." rinig ko 'yung boses ni Jihyun sa kabilang linya.

"I love you too, babe!" At binaba niya na ang tawag.

It's 6:00 in the morning at papunta silang South Korea ngayon para um-attend ng kasal ni Tito Park mamaya. Mananatili raw muna sila roon nang ilang araw, hindi ko alam kung kailan ang balik nila pero within this week daw.

Bumuntong hininga ako. Papunta pa lang sila roon pero namimiss ko na agad si Jimin.

Tumayo ako mula sa sofa at naglakad papunta sa kusina. Ako'y magsasaing na lang tutal gumising ako nang maaga.

Magtatakal pa lang ako ng bigas nang biglang may pumasok sa kusina. Si Yeri pala.

"Kuya, ako na d'yan. Magluto ka na lang ng ulam." nakangiting sabi niya.

"Ay, thank you. Anong gusto mong ulam?" Umalis ako sa tabi ng rice dispenser.

Saglit siyang nag-isip. "Adobo."

"Breakfast, adobo? Mamayang lunch na lang 'yon, sabihin mo kay Mama. Ano na lang, tocino at itlog. Para mala-tosilog, except hindi sinangag 'yung kanin."

Tumawa siya, "Sige, gusto ko 'yan."

"Sige na, magsaing ka na d'yan." tumawa ako pabalik.

"Okay!"

+++

"Mabuti't naisipan mong magluto ulit, anak. Lagi ka kasing takot magluto, akala mo naman tatalsikan ka ng mantika." sabi ni Mama, "Ang ganda ng pagkakaluto nitong tocino, ang sarap."

"Maaga po kasi akong nagising, so I thought na magluto na ako ng breakfast para pagkagising niyo ay kakain na agad tayo." sagot ko naman at sumubo ng pagkain. "Takot pa rin ako pero sinubukan ko, it turned out good naman. Masarap 'di ba?"

"Ay anak, kasarap nitong luto mo. Ikaw ulit ang magluto mamaya." sabi ni Papa habang may lamang pagkain ang bunganga.

"Oo nga, Kuya. Luto ka mamaya ng adobo." singit ni Yeri at uminom ng tubig.

"Hindi ako marunong." nakangusong sabi ko.

"Boyfriend-boyfriend ka tapos hindi ka pala marunong magluto ng adobo." nakatawang sabi naman ni Mama at tumawa rin sina Papa at Yeri.

"Grabe 'yon! Si Yeri din naman ah." reklamo ko.

Kapag kumakain kami, it's either maingay o tahimik ang hapagkainan, no in between.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon