Chapter 34 : Overwhelmed

39 3 1
                                    

Taehyung's Point of View.

Alas dose na ng hapon at mag-isa lang ako rito sa bahay, iniwan nila ako. Umalis si Yeri kasama si Jungkook, ayon nag-date na naman. Sina Mama at Papa naman ay pumunta sa mall para daw mag-grocery. Jusko, sigurado naman akong hindi lang grocery ang gagawin nila.

Bumuntong hininga ako habang nakaupo sa sofa. Ano nang gagawin ko?

Punta na lang kaya ako kina Jimin? Oo, sige, punta na lang sa kanila.

Tumayo na ako mula sa sofa at naglakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang bumungad sa 'kin si Minsung. Anong ginagawa niya rito?

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko at humakbang paatras.

Humakbang naman siya paabante, "I just wanted to apologize for what happened yesterday. Alam kong nabigla ka kaya pasensya na. But I want to give this to you." May inabot siyang maliit na box at isang tangkay ng pulang rosas.

"I can't accept that, I'm sorry." Umatras ako ulit at lumapit naman siya.

"Please, just accept this. Peace offering?" ngumiti siya nang mapait. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo tinatanggap ito. Please?"

Bumuntong hininga ako at tumingin do'n sa iniaabot niya bago ito kunin. "Sige na, alis ka na."

"Taehyung, I like you," he bites onto his lower lip,"I really do. Let me court you, please!"

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong nanginig. Hindi na naman ako makahinga. "Akala ko ba aalis ka na?"

"I'm so sorry, Taehyung. I've been obessessing over you for the past few months and I don't know what to do about it. I know you're absolutely freaking out but it's just... I really, really like you."

Lumunok ako ng laway at huminga nang malalim. "Minsung, umalis ka na, please?"

I need Jimin right now.

"Taehyung—"

"I'm resigning." sabi ko sa kaniya at napasinghap naman siya. Tinulak ko siya nang bahagya, "I don't want to work with you anymore."

Saglit siyang tumahimik. "I'm really, really sorry. Don't resign, please?"

"Alam mo bang some of your models are judging me just because they thought you're courting me. And yes, you're freaking me out. Sa tuwing papasok ako sa building na 'yon, parang gusto ko na lang umuwi ulit at 'wag nang magpatuloy. My anxiety is acting up and it's really hard to deal with."

"Taehyung." Sinubukan niyang hawak ang kamay ko pero pinigilan ko siya. "Sorry."

"Ano ba! Umalis ka na lang, please?"

Napabalikwas ako nang may sumuntok sa kaniya. Si Jimin. "Stop bothering him, you punk!" mariin niyang sabi, or should I say, sigaw. Nakatitig lang ako sa kaniya. Parang gusto kong umiyak. "Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo, ha! Kapag lumapit ka pa ulit kay Taehyung, hindi lang suntok ang aabutin mo." Ang lalim ng boses ni Jimin at nakakatakot. Nakaupo sa sahig si Minsung dahil siguro sa impact ng suntok ni Jimin, at may pasa siya malapit sa labi. "Pasalamat ka't hindi pumutok 'yang bibig mo."

"Sinabi ko na kasing umalis ka na." sabi ko kay Minsung at nilapitan naman ako ni Jimin.

Tumayo si Minsung at ikiniling ang ulo habang nakatingin nang masama kay Jimin. Kinapa niya ang parte ng bibig niya na may pasa saka siya umalis. Thank goodness!

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon