Chapter 16 : Random Entries

58 3 0
                                    

Taehyung's Point of View.

"Kuya, patulong dito sa homework ko." rinig kong sabi ng kapatid kong si Yerim.

"Nako, hindi ko alam kung matutulungan kita. Anong subject ba 'yan?" sabi ko habang nagbabasa ng librong Coraline at nakahiga sa sofa.

"Principles of Statistics." Muntik akong masamid sa sarili kong laway. Oh no, I hate anything related to Math.

Naglagay ako ng bookmark sa page na binabasa ko saka isinara ang libro, "Lo siento, mi hermanita, hindi kita matutulungan d'yan. Magpatulong tayo kay Jimin." Math major kasi 'yon eh.

(A/N: Translation: "Sorry, little sister,...")

"Nakakahiya naman kay kuya Jimin, gabi na, maiistorbo pa siya." ngumuso pa siya pagkatapos. "Nevermind, magpapatulong na lang ako kay Kookie." nanlalaki pa ang mga mata niya habang sinasabi 'yon.

"Kookie, huh?" I smirked. "Crush na crush mo talaga si Jungkook."

"Shh, kuya." nagba-blush ang gaga.

"Sige na, sige na. Magpatulong ka na kay Kookie mo." pangangasar ko at sinamaan niya naman ako ng tingin. Tinawanan ko lang 'yung kapatid ko.

Bubuksan ko na sana 'yung librong binabasa ko nang magsalita ulit siya. "By the way, kuya, ano 'yung dala-dala mo kahapon na brown notebook?"

"Wala 'yon. Ikaw talaga, sige na, gumawa ka na ng homework mo. College ka na pero para ka pa ring bata." Makasabi naman ako eh hanggang ngayon, para pa rin akong bata.

"Wow, kuya, makasabi ka naman." Oh 'di ba? "Sige, akyat na ako sa kwarto ko. Good night."

"Good night."

Dahil nabanggit ni Yerim, naalala ko 'yung diary ni Emilia. Isinantabi ko muna 'yung Coraline at inilapag sa ibabaw ng center table saka kinuha 'yung diary mula naman sa ilalim nito.

Binuklat ko ito sa pahinang may bookmark. Yes, nilagyan ko ng bookmark para alam ko nasaang page na ako. This is what I get from being a bookworm, sobrang dami kong bookmarks. Minsan pa nga, kahit baraha ay ginagawa kong bookmark, hehe.

Hulyo 13, 1914

Walang saysay ito ngunit nais ko lang ibahagi na dinala ako sa ospital kanina dahil sumikdo ako. Ang sabi ng doktor ay huwag muna akong magkakape sa loob ng isang linggo. Hindi ko iyon kakayanin, mahilig ako sa kape. Nalungkot ako bigla.

- Emily.

This is why I prefer tea than coffee. Ewan ko ba sa mga tao rito kung bakit ang hilig-hilig sa kape.

(A/N: sumikdo in English is palpitate)

Hulyo 16, 1914

Labis na akong naiinis kay Antonio. Halos araw-araw na lamang siyang nagpapadala ng mga tsokolate at bulaklak. Hindi ko naman kailangan ang mga iyon.

Ngunit habang sinusulat ko ito ay kinakain ko ang isa sa mga binigay niyang tsokolate. Sayang din naman.

- Emily.

Shet. Ang haba ng hair ni ate girl. Sana all may chocolates and flowers. Kailan kaya ako padadalhin ni Jimin? Hehe, joke lang.

Hulyo 18, 1914

Nakauwi nang muli sina Teresa rito kahapon at sobrang saya ko. Nagkwento siya tungkol sa naging karanasan niya noong naroon sila sa kanilang probinsya. Masaya akong masaya siya.

- Emily.

Napansin kong sobrang random ni Emilia. Like, sobra. 'Yung tipong hindi mo aasahan na 'yon 'yung susunod niyang sasabihin. Parang ako.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng random entries niya. As in sobrang random ng iba. She sometimes speaks Spanish in her entries.

Noong July 19, gumala raw sila ng kaniyang mga magulang sa isang parke at sobrang saya niya raw noong araw na 'yon. Noong July 20 naman ay maghapon lang daw siyang nagbantay ng panaderya nila, with matching pangungulit ni Antonio. July 21, binuraot na naman daw siya no'ng manliligaw niya, kesyo bibili ng pandesal tapos tatambay sa tapat ng panaderya nila nang ilang oras, halos lumalamig na 'yung tinapay. July 23 ay 19th birthday ni lola Teresa at nag-celebrate daw sila sa bahay nina lola Teresa.

"Taehyung, alas d'yes na, akyat ka na sa kwarto mo." Napatingin ako sa orasan ng cellphone ko nang magsalita si Mama. Hindi ko namalayan ang oras.

"Opo, aakyat na." Naglagay ako ng bookmark sa huling pahinang binasa ko saka sinara ang libro.

Pagkapasok ko sa kwarto ay isinara ko na ang pinto at humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Nag-text si Jimin.

Jiminnie 💖:

Taetae, patulog ka na ba? can we call? I can't sleep :((

Hala! Kinikilig naman ako, hihi.

Me:

hindi pa ako inaantok. sure, let's call :))

Ilang saglit lang ay tumawag na nga si Jimin. Nag-panic pa ako noong una bago ko sinagot 'yung tawag. Kinikilig ako, ano ba naman 'yan.

"Hello, Taehyungie?" Shet, ang gwapo ng boses.

"Hello, Jiminnie!" Pagkatapos no'n ay naging awkward ang paligid. "So, uhm,"

"Binasa mo na ba ulit 'yung diary?"

"Yup. Nothing's interested yet. Pero nalaman kong July 23 ang birthday ni lola Teresa. Magkaedad lang sila ni Emilia."

"Okay then. What else?"

"Sobrang random kasi ng entries niya eh, considering she started writing at the age of 19. Paminsan-minsan ay may makikita kang Spanish words sa entries niya. Spanglog."

Narinig ko siyang tumawa. "Spanglog? Ano 'yan, spaghetti at itlog?"

Ako naman ang tumawa, "Havey 'yon, Jimin. Pero ang ibig kong sabihin ay Spanish-Tagalog."

"Mas gusto ko 'yung spaghetti at itlog kasi nagugutom ako."

"I can tell. Hindi ka ba nag-dinner?"

"Nag-dinner, pero nagugutom ako ulit." Parang nagugutom din ako.

"Edi kumain ka ulit." I chuckled. "Ano ba 'yan, nagugutom din tuloy ako."

"Gusto mong mag-7-11? Libre ko."

Nanlaki ang mga mata ko, "Hala, weh? Gusto ko pero baka pagalitan ako ni Mama kapag lumabas ako, gabi na."

"Tsk, you're not a child anymore. You can tell them but they can not say no. Dali na, sayang libre. Hintayin kita sa labas ng bahay, ha?"

Nag-pout ako at bumuntong hininga. Why is Jimin so hard to resist? "Okay, fine, wait lang."

I'll consider this as date night, hihi. Baka hindi ako makatulog nito mamaya.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon