Chapter 55 : SPG - Slight Parental Guidance

63 2 28
                                    

Taehyung's Point of View.

Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto. Inaantok kong nilingunan ang pintuan. "Kuya, gising na, kain na!" narinig ko ang boses ni Yeri sa labas.

"Susunod na!" sigaw ko at bumangon saka nag-unat-unat.

Lumingon ako sa paligid ko at napamura nang makita ko si Jimin na mahimbing na natutulog sa tabi ko at naka-shirtless pa siya at nakadapa.

"Jimin!" Naalala kong nag-sleepover nga pala siya rito.

Pag-uwi kasi namin kagabi ay nag-aaway 'yung mga magulang niya kaya umalis siya ng bahay nila at dito muna nakitulog. Kumusta naman kaya si Jihyun?

Inobserbahan ko ang katawan niya. May birthmark pala siya sa tagiliran niya, ngayon ko lang napansin kahit maraming beses ko na siyang nakikitang naka-topless.

"Jimin!" tinawag ko ulit siya. Tinapik-tapik ko pa nang mahina ang balikat niya. "Jimin, wake up!"

Nagulat ako nang hilain niya ako pahiga at yakapin habang nakapikit pa rin siya. Tumigil ako sa paghinga saglit saka huminga ulit.

"Jimin!" hinampas ko ang braso niyang nakabalot sa 'kin. "Gumising ka na nga."

"Stay." Mas lalo niyang hinigpit ang yakap niya. Heto na naman itong puso kong ayaw kumalma.

"Kakain na raw. Atsaka 'di ba, may pasok ka pa? Friday ngayon ah." sabi ko sa kaniya at pinipilit na bumangon pero masyado siyang malakas.

"Tinatamad akong pumasok." pag-ungot niya. "Atsaka ikaw na lang kaya kainin ko." tumawa pa siya.

Napakabastos talaga, punyeta.

"Alam mo, kagabi ka pa horny, tumakbo ka na nga do'n sa CR." Hinampas ko ulit siya sa braso at minulat na niya ang mga mata niya.

"Good idea." Bigla siyang tumayo mula sa kama at nauna pang lumabas ng kwarto. Bwiset!

Inayos ko ang kama ko at kinuha ang phone namin na nasa bedside table lang saka lumabas na ng kwarto.

"Anak, bakit karipas ng takbo sa CR 'yon?" tanong ni Mama habang tinuturo ang CR at tinutukoy si Jimin na nasa loob.

Tumawa ako, "Ewan ko, natatae siguro." Nagjaja—

Jackstone.

"Ah. Sige, kain ka na d'yan." Kami na lang pala ang hindi pa kumakain.

Umupo na ako sa hapagkainan kahit hindi pa ako nakakapag-morning skincare.

Paano ko gagawin 'yon kung nasa CR si Jimin? Ayokong pumasok do'n nang nando'n siya at baka kung ano pang makita kong kababalaghan.

Bigla akong nag-cringe.

Habang kumakain ako, maya-maya lang ay lumabas na si Jimin mula sa CR. Pawis na pawis siya at namumula pa ang mukha.

"Success?" nakangising tanong niya.

"Success." he smirks back.

Lumapit siya sa 'kin at pinunas sa damit ko ang mga kamay niya. Nahampas ko tuloy ang braso niya, "Kadiri ka!"

"Sira, naghugas ako ng kamay." Hinampas niya rin ako sa braso.

"Kahit na, yuck!" I gave him an disgusted face. "Kumain ka na nga d'yan."

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon