Chapter 15 : Emilia's Birthday

65 3 0
                                    

Jimin's Point of View.

"Jimin! Jimin!" Hindi ko pa man sinisilip sa labas ay alam ko na kung sino 'yon.

Tumayo ako mula sa sofa at naglakad sa pintuan. "Sisirain mo ba 'yung gate namin?" sabi ko kay Taehyung at binuksan ang screen door.

"Ay, hehe. Sorry." he grins.

Pinagbuksan ko siya ng gate at dali-dali naman siyang pumasok ng bahay namin. Wow, feel at home talaga 'to eh. "Ano bang kailangan mo?" tanong ko habang nila-lock ang screen door.

Nakaupo na siya ngayon sa sofa. "Upo ka muna, dali."

Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. "Oh ano na?"

"Jimin, tignan mo, may nakita akong lumang diary sa baul ni abuela." sabi niya at may pinakita sa 'king isang brown notebook.

"Lumang diary? Pero hindi siya mukhang luma." Kinuha ko mula sa kaniya ang notebook at inobserbahan ang cover nito. "Oh, tignan mo, parang hindi nalipasan ng panahon, except may konting alikabok." Pinagpag ko ito nang malumanay.

"Oo nga eh, pero luma na raw eh. More than 100 years ago."

"Ah. In fairness, hindi mukhang luma." Binalik ko sa kaniya 'yung diary. "Oh, ano bang meron?"

"Ang may-ari n'yan ay si Emilia Imperial. Ang sabi ni abuela ay bestfriend daw 'yon ng lola niya na si Teresa Alvarez-Guevarra."

Kumunot ang noo ko, "Sino-sino 'yon?"

"Kwento sa 'kin ni abuela na kinwento lang din daw sa kaniya ni lola Teresa, may naging kasintahan daw 'yang si Emilia. It was love at first sight. Emilia was a bakery owner. And then one day, may napadayo sa kanilang lalaking englishero, si Adrian Solar. At that day, they fell in love with each other. Itong si Emilia raw, may manliligaw, si Antonio Guevarra. Noong naging magkasintahan sina Emilia at Adrian, nagalit si Antonio. Bata pa lang daw sila, mahal na ni Antonio si Emilia. On the day of Emilia and Adrian's wedding, umepal itong si Mr. Bitter a.k.a Antonio and you know, nag-speech ng kung ano-ano tapos tinapatan ng baril si Adrian. Pumutok ang baril but instead na si Adrian ang tamaan, si Emilia ang natamaan. They brought her to hospital pero dead on arrival daw. Sad love story." ngumuso siya pagkatapos magkwento.

Sa pagkukwento niya, naka-focus lang ako sa mukha niya. Ang ganda ng mga mata niya, ng pilik-mata niya, ng ilong niya, ng bibig niya-

"Jimin, are you listening?"

Nabalik ako sa ulirat, "Oh, yes." I awkwardly laughed. "Wait, kung Guevarra ang surname ni Antonio at Guevarra din ang married surname ng lola Teresa mo, ibig sabihin ba no'n, sila ang nagkatuluyan?"

Saglit siyang tumahimik. "Oo nga 'no? Sige, itatanong ko na lang kay abuela next time kung si Antonio Guevarra ba ang lolo niya."

Tumango ako, "Sige, sige." Nabaling ang atensyon ko do'n sa diary. "Nabasa mo na ba 'yan?"

Umiling siya, "Hindi pa, 'yung first two pages pa lang."

"Basahin natin?" tanong ko at tumango naman siya.

"Sige, sige. Sobrang curious din ako eh."

Binuklat ni Taehyung ang diary sa pangatlong pahina nito.

Hulyo 8, 1914

Ngayon ay araw ng aking ika-19 na kaarawan. Hindi ako ganoon kasaya sapagkat wala ang aking matalik na kaibigan na si Teresa, hindi ko tuloy siya nakasama ngayon upang magdiwang. Sila ng kaniyang pamilya ay lumuwas papuntang kanilang probinsya.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon