Chapter 24 : Saved Again

62 2 0
                                    

[ A/N: boring ulit 'tong chapter na 'to hehe. ]
-

Jimin's Point of View.

"Jimin, anak, halos alas onse na kayo nakauwi kagabi. Nalasing ka raw sabi ni Taehyung." pambungad sa 'kin ni Mom nang makababa ako sa sala.

"Medyo nahimasmasan naman ako bago kami umuwi." sagot ko at pumunta sa salamin.

"Masakit ba ulo mo?" tanong ni Mom na may halong pag-aalala.

"Medyo." maikling sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Kumain ka muna tapos inom ka ng biogesic, nasa ref."

Tumango ako, "Thanks, Mom."

Pagkatapos ko sa salamin ay nagtungo ako sa banyo para maghilamos at magmumog. At sumunod ay pumunta na ako sa dining area at kumain na.

Morning routine ko na talaga 'yan. Pagkagising ko, pupunta akong salamin para mag-ayos ng buhok and then pupunta akong banyo para maghilamos at magmumog, minsan may kasama pang pag-ihi. At pagkatapos ng lahat ng 'yon, kakain na ako ng breakfast.

Usually, nauuna si Mom na mag-umagahan. Kaming dalawa lang ang nandito sa bahay. Paminsan-minsan ay bumisita 'yung kapatid ni Mom at ipapaalaga sa amin ang bunsong anak niya.

Si Dad? Ewan ko kung nasaang lupalop ng mundo naroon 'yon. He's a seaman and usually walang signal sa kanila kaya minsan lang kami magkausap.

If ever you're wondering, I'm not an only child. May younger brother ako, si Jihyun, kaso nasa Busan, South Korea siya kasama 'yung grandparents namin at doon nakatira. Ayaw niya kaming kasama.

I realized na parehas pala kaming panganay ni Taehyung. Wala lang.

Pagkatapos kong kumain ay nagligpit ako ng lamesa at naghugas ng pinagkainan.

Taehyung's Point of View.

Mapayapa kaming kumakain ng breakfast nang may kumatok sa pinto. Sino kaya 'yon?

"Yeri, buksan mo nga 'yung pinto." sabi ko at tumango naman si Yeri at tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Kuya, 'yung manager mo."

Nanlaki ang mga mata. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Magandang umaga po sa inyo." pagbati niya nang makapasok siya sa loob ng bahay.

"Upo ka. Sandali lang ha, kumakain pa kasi kami eh." sabi ni Mama.

"Ayos lang po. Pasensya na rin po sa istorbo."

Bumalik na si Yeri sa pwesto niya. "Bakit 'yan nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit sa 'kin mo tinatanong?"

After naming kumain ay pumunta kami ni Papa sa sala. Mama naman ang naghugas ng pinagkainan namin at si Yeri ay kasalukuyang naliligo.

"Iho, ikaw ba ay nanliligaw sa anak ko?" Nagulat ako sa sinabi ni Papa kaya nahampas ko siya nang bahagya.

"Pa, ano ba 'yan!"

"Eh, ako laang ay nagtatanong. Masama ba iyon?" Sabi niya. Napailing na lang ako.

(A/N: try reading Taehyung's father's dialogue in Batangueño accent xD)

"Kung ako po ay pagbibigyan, nais ko pong ligawan ang anak niyo, si Taehyung."

And once again, I got creeped out by Minsung. Sabi ko na nga ba eh.

"Kung sa amin ay ayos laang, ewan ko rito sa aking anak. Nako, wala pa itong nagiging nobyo o nobya. Kaya kahit na sinong nanliligaw rito ay ayos laang sa amin." Napasapo ako sa noo.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon