Chapter 30 : Panic Attack

48 3 2
                                    

Taehyung's Point of View.

"Jimin!" pagkatok ko sa gate ng bahay nila. "Jimin, bilisan mo!"

"Oo, sandali!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng bahay nila. Tumawa na lang ako nang bahagya.

"Huwag ka nang magpagwapo d'yan, gwapo ka na talaga." I said and I just hope he didn't hear that.

Hindi na ako pumasok sa loob at baka magtagal pa kami lalo.

Maya-maya'y lumabas na siya. Napangiti ako at nagkatinginan kami nang mga ilang segundo. 'Yung parang sa mga k-drama na nagkakatitigan 'yung dalawang main characters tapos parang bumabagal ang oras. Gano'n, except, we're not really in a k-drama.

Kinikilig ako.

"Anong sabi mo? Gwapo na talaga ako?" Shit, narinig niya nga.

"Hoy! Magtititigan lang ba kayo d'yan o ano?" Nabalik kami sa ulirat dahil sa pagsingit ni Tita Park.

"Ay, sorry po, Tita. Heto na nga po, aalis na." sabi ko at tumawa pa. Umiling-iling naman siya.

"Sige na, ingat!"

Binuksan ni Jimin ang gate at lumabas na siya nang tuluyan sa bahay nila. "Alis na po kami." sabi niya at naglakad na kami palayo.

Mag-aalas dose (12:00) na ng tanghali at late akong papasok sa trabaho kasi late din akong nagising. 8:00 ang usual na pasok ko, pero pwedeng ma-late hanggang 10:00. Grabe 'yung pagka-late ko ngayong araw.

At heto, naisipan ni Jimin na sumama sa 'kin ngayon kasi trip niya lang daw. Sana trip niya rin ako.

Nakalabas na kami ng subdivision at nag-tricycle na lang kami papunta sa building na pinagtatrabahuan ko.

"Jimin." Nag-hum naman siya biglang sagot. "What if mag-freelance photographer ka tapos i-recruit kita sa company namin to photograph me?"

Lumingon na siya sa 'kin, "Naisipan ko na rin ang mag-freelance photographer pero wala akong camera at wala akong pambili. Kaya nga tinanggap ko 'yung trabaho sa coffee shop eh." ngumiti siya nang bahagya.

"Gano'n? I can buy you a camera." I smile.

"Hala? 'Wag na." nag-tsk pa siya. "Palibhasa kasi mayaman ka." Hinampas niya ako sa braso pagkatapos.

Hinampas ko rin siya pabalik. "Ikaw rin naman ah. Parehas lang na seaman ang tatay natin so mayaman ka rin." Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Shit, sorry. "Oh shit, Jimin, I'm sorry."

"It's okay." he sighs. "Feeling ko nga hindi na magpapadala pa si Dad kahit na sinabi ni Mom na magpapadala siya. He'll be so much busy with his other family." he sighs once again.

Tinignan ko siya nang nag-aalala, "You and your mom don't deserve this."

Ngumiti siya nang bahagya, "Well, that's life."

"That's life? Gano'n-gano'n lang? No, Jimin, you deserve a better life." A better life with me.

"Thank you, Taehyung. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay kapag nawala ka." he smiles. Hala! Ano bang pinagsasabi niya?

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon