Chapter 69 : Unnamed

53 3 24
                                    

Taehyung's Point of View.

"Good morning, baby!" pambungad sa 'kin ni Jimin nang makarating ako sa sofa. Ngumiti ako at umupo sa lap niya.

"Good morning." I half-whispered.

"Are you okay now? Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong niya na may pag-aalala. "I'm really sorry. But at least you survived your first drunk experience."

"Sira! Bakit, may hindi ba nakaka-survive doon?" seryosong tanong ko at tumawa lang siya. "Medyo masakit ang ulo ko pero okay na ako." Tumayo ako mula sa lap niya, "Magmo-morning skincare muna ako, okay?"

Tumango siya. "Bilisan mo at kakain na tayo."

"Opo!" Tumawa ako at tumakbo sa CR, na nasa loob ng kusina, para gawin ang kailangan kong gawin.

Tumagal ako nang halos isang oras bago matapos. Lumabas na ako at nakita ko si Jimin na nakaupo na sa hapagkainan.

Pagkalabas mo kasi ng kusina ay bubungad sa 'yo ang hapagkainan. Lumiko ka at maglakad pa saglit ay may makikita ka namang dalawang kwarto sa gilid. 'Yung isa ay kwarto namin at 'yung isa ay storage room o pwede ring guest room, but so far, wala pa namang nakikitulog dito sa apartment namin. At pagkalabas mo naman ng kwarto ay makikita mo sa kanan mo ang sala.

Gets niyo ba? Sabi ko nga hindi.

Nga pala, nilipat namin dito 'yung Smart TV ni Jimin, as well as his wifi router. Kung hindi niyo natatanong, they have two wifi routers. One for his Smart TV and the other one is for them in general.

"Taehyung, kain na tayo." Tumango ako at umupo na sa tapat niya. He suddenly slid a cup in front of me. "Oh, uminom ka ng kape para mabawasan ang sakit ng ulo mo. Don't worry, walang asukal 'yan."

Kinuha ko naman ito at tinitigan muna ang loob. Narinig kong tumawa nang marahan si Jimin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Inumin mo na 'yan, 'wag mo nang titigan." Ngumuso ako at humigop nang konti.

I don't really like drinking coffee. Kung si Emilia ay adik sa kape, I just wish na ang susunod kong reincarnation ay mahilig din sa kape kagaya ni Emilia.

"Taehyung," Inilapag ko sa lamesa ang tasa at lumingon sa kaniya. "do you still remember Luna, my calico cat?"

Oh, si Luna. She died when we're 15 years old. Halos isang linggong nalungkot si Jimin noon at hindi lumalabas ng bahay nila, ni hindi rin bumibisita sa bahay namin.

Tumango ako, "Yeah. Bakit?"

"How about we buy a cat and a dog? Para naman may kasama ako rito everytime na nasa photoshoot ka." he then pouts.

Nanlaki ang mga mata ko, "A what?"

"I mean, only if you want. Either of the two, cat or dog." he waves his hand.

"Jimin, didn't you say you're developing an allergy to cats?" Bigla siyang ngumuso.

"I know, but cats are so cute." He sighs, "Okay, sige, aso na lang ang bilhin natin."

Kinunot ko ang noo ko, "Saan naman tayo bibili ng aso?" I suddenly miss Oreo.

"Edi sa pet store. Sa Robinsons yata ay may pet store. Ay mali, sa Lotus yata?" kinamot niya pa ang ulo niya.

Tumawa ako, "Jiminnie, saka na natin 'yan isipin. Kumain na muna tayo."

Tumawa siya pabalik, "Ay, oo nga pala. Okay!"

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon