Chapter 9 : Postponed

39 7 0
                                    

Nahuli ng dating si Adrian sa parke nang dalawampung minuto. Pagkarating niya doon ay naroon na sina Antonio at Emilia.

"Tony, itigil mo na ito. Huwag niyo na itong ituloy." Narinig nang sambit ng binibini.

"Sinasabi ko sa iyo, binibini, para sa iyo ito. Kung sino mang manalo, siyang iyong pakakasalan."

"Ayaw kong dinidiktahan ako kung sinong pakakasalan ko. Itigil niyo na ito, pakiusap, maaari kayong masaktan dahil dito."

"Uh... ipagpaumanhin ninyo dahil ngayon lang ako nakarating." pagsingit ni Adrian sa dalawang nagtatalo.

Napalingon naman ang dalawa sa kaniya. "Ayos lang iyon, walang problema." sabi ni Antonio. "Heto ang iyong espada." Tinanggap naman ni Adrian ang espadang iniaabot ni Antonio.

"Pakiusap, huwag niyo na itong ituloy."

"Tama si Emilia, Antonio, huwag na natin itong ituloy." sabi ni Adrian at ngumisi naman si Antonio.

"Bakit, Adrian? Natatakot ka bang matalo kita?"

"Hindi sa gano'n, ngunit wala ring saysay kung ano mang maging resulta ng paglalabang ito." Pagkatapos no'n ay saglit na nagkatingin sina Adrian at Emilia.

"Dahil ba alam mong ikaw ang pipiliin ni Emilia ay ganiyan na ang iyong mga sinasambit?"

"Antonio, ano bang iyong mga pinagsasabi?" pagsingit ni Emilia habang nakakunot ang noo, "Kung ganiyan kayo nang ganiyan, wala akong pipiliin sa inyong dalawa." Bigla na lamang umalis ang binibini. Sinundan naman ito ng dalawang ginoo.

"Emilia! Ipagpatawad mo ako." Sabi ni Antonio at hinawakan ang kamay ng binibini.

Binitawan naman ito ni Emilia, "Hindi ako isang pabuya lamang para sa isang paglalabang walang saysay. Hindi ako isang makinang maaari mong utos-utusan at kaagad na susunod. May sarili akong desisyon. Sana'y huwag niyo akong diktahan."

Naglakad na palayo ang binibini at naiwan ang kaniyang dalawang manliligaw.

"Nakita mo nang iyong ginawa, Adrian?"

Lumingon si Adrian na may halong pagtataka, "Bakit ako ang sinisisi mo? Tama naman si Emilia. May sarili siyang desisyon. Kung sino man ang piliin niya sa 'ting dalawa, wala na tayong magagawa do'n." Tinignan niya ang espadang hawak niya, "Heto ang espada mo, makipaglaban ka na lang sa sarili mo, Ginoong Antonio. Maiwan na kita." Kinuha naman ni Antonio ang espada at hinawakan ito nang mahigpit. Nginitian ni Adrian nang bahagya ang lalaki saka siya umalis.

"Hindi ako makapapayag. Akin lang si Emilia."
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon