Chapter 7 : Date?

55 7 0
                                    

"Saan ba tayo paroroon, ginoo?" Tanong ni Emilia sa lalaki habang sila'y naglalakad.

"Drop the formality, Emilia. I bet we're just the same age."

"Dalawampu't isang taong gulang pa lamang ako." ngumuso pa ang babae.

"What's dalawampu?"

"Twenty."

"Oh, I'm 23. I'm older than you by two years but still, drop the formalities, okay?"

"Pero iyong paggamit naman ng ginoo at binibini ay tanda ng respeto at normal itong tinatawag sa mga tao."

"Oo, normal dito sa Pilipinas."

"O siya. Pero titigil ka sa pagsasalita ng Ingles, pangako?" Sabay silang tumawa dahil doon.

"I can't promise, Emilia, but I'll try."

Bumuntong hininga ang babae at napanguso, "Sige, ayos lang. Isa pa, tawagin mo na lang akong Emily."

"Sure. Tawagin mo na lang din akong Ian."

Pati ang pangalan niya'y gwapo.

+++

Nakarating sila sa isang museo ng mga sining. Pagkapasok nila ay namagha siya sa ganda ng kapaligiran. Ngayon lamang siya nakapunta sa ganitong lugar. Hindi niya alam na may malapit lang palang ganito sa lugar nila.

"Did your parents tell you not to talk with strangers?"

Napalingong bigla si Emilia kay Adrian, "Ngunit hindi ka na estrangero para sa akin. Nagkakilala na tayo kahapon."

Ngumiti si Adrian, "Nagbibiro lamang ako. Alam mo ba, bagay ka sa museong ito dahil ikaw ay isang sining."

Nang napagtanto niya ang sinabing 'yon ng lalaki ay agad na namula ang kaniyang pisngi, "Isa akong sining?"

"Oo, isa kang sining ngunit nais kong ako lang ang makakakita at makagagalaw sa 'yo. I don't share what's mine."

Nabigla naman si Emilia at nanlaki ang mga mata, "T-teka, ang bilis mo naman. Gaya nga ng sabi ko, kakakilala lang natin kahapon."

"Kahapon mo lang ako nakilala, Esmeralda. Tinago ko man ang sarili ko sa 'yo noon, dala 'yon ng aking kaduwagang tanggihan mo." Bakas sa mukha ni Emilia ang pagtataka. Ano bang sinasabi niya? At sino si Esmeralda?

Bahagyang tumawa si Emilia at hindi na pinansin ang sinabing 'yon ng lalaki, "Ikaw ba' y nagugutom, Adrian? Maaari tayong kumain, may nakita akong tindahan sa tapat ng museo. Halika?"

"Is it a date?" Tanong ni Adrian habang nakataas ang isang kilay. Nagiging kakatwa na siya sa paningin ni Emilia pero wala itong pakialam.

(A/N: kakatwa in English is weird)

Noong una niyang makita ang lalaki ay tila ba'y nasa isa siyang museo ng sining na sa unang tingin pa lang ay namangha na ito at sabihin nating siya'y umiibig na sa lalaki.

"Kung iyan ang nais mo, bakit hindi?" Ngumiti ang babae at ngumiti rin pabalik ang lalaki.

"Okay, it's a date."

Sa dalampu't isang taong pamumuhay ni Emilia sa mundong 'to, ngayon lang siyang nakaramdam nang ganito. Ano ang aking gagawin?
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon