Chapter 27 : Kopi Parlor

51 3 0
                                    

[ A/N: skip tayo nang 3 days. ]

Jimin's Point of View.

"Jimin, sinabi ko na sa kaibigan ko na magpa-part time ka sa kaniya." Napalingon ako kay Mom habang nanonood ng TV. What?

"Mom, ayaw ko nga. Mag-freelance photographer na lang ako." nag-cross arms ako pagkatapos.

"Dali na, MWF lang naman eh. Jimin, wala na tayong pera. Oh sige, ako na lang ang magta-trabaho."

Bakit nga ba ayaw kong magtrabaho? Kasi ayoko talaga. I gave up being an accountant because I realized I didn't want that anymore. I just want to be a photographer pero wala akong magandang camera, so I use my phone.

Wait, now that I think about it. Kapag tinanggap ko 'yung trabaho na 'yon, I can make money to buy myself a camera. Nice!

"Oh sige po, tinatanggap ko na. But MWF lang, ha?" Tumango agad si Mom. "When will I start?"

"Today." she grins.

"What, today?" gulat na tanong ko. Kabigla-bigla naman.

"Oh, wednesday ngayon eh." tumawa pa siya.

"Hindi po ba pwedeng next week, monday?" Kinuha ko nag remote ang nilipat ang channel.

"Okay, sure, next week. But do you wanna go there? Gusto ko ng kape."

"Mom, marami tayong stock ng kape sa kusina." tumuro pa ako sa direksyon kung nasaan ang kusina.

"Sige na, anak? Libre ko."

"Ay, tara na po! Dali, gusto ko rin ng kape." Sabay kaming tumawa ni Mom.

We're close enough to talk like that. Para nga lang kaming mag-tropa eh.

Ni-turn off ko na ang TV at lumabas na kami ng bahay. Sumilip muna ako sa bahay nina Taehyung bago kami maglakad palabas ng subdivision.

Saan ba 'yung Kopi Parlor na 'yan? Never heard of that. Kahapon ko lang nalaman noong sinabi ni Mom.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Malapit lang pala ito sa subdivision namin. Hindi ko masyadong napapansin kasi sa kabilang direksyon ako madalas magpunta.

Pumasok kami sa loob at napanganga naman ako. Ang ganda rito. Ang aliwalas ng loob at ang aesthetic tignan. Tapos airconditioned pa.

"Wendy!" May tumawag kay Mom.

"Irene!"

Tumakbo si Mom papunta do'n sa kaibigan niya at nagbeso-beso pa sila. Sumukot ako nang bahagya.

"Jimin, anak! Halika rito."

Naglakad naman ako papunta sa kanila at ngumiti nang bahagya. "Hello po."

"Ito 'yung anak mo na pagtatrabahuin mo rito sa coffee shop, tama ba?" tanong ng kaibigan ni Mom. "Ang cute! Ang chubby ng cheeks," pinisil niya ang pisngi ko. Ang sakit. "Ilang taon ka na?"

What the heck! Ginawa akong bata. Mukha ba akong bata?

"I'm 24 years old, turning 25 po."

Nagulat naman siya. Anong kagulat-gulat do'n? "Ay, weh? You look younger. Akala ko 19 or 20 ka lang. Kaedad mo lang 'yung panganay ko."

Tumawa na lang ako nang awkward. Wow, I look 19 daw. Thank you very much.

"Ma, nakita mo ba 'yung—" May lumapit sa 'ming babae.

"Oh! Teresa, halika rito." Teresa? "Ano ang hinahanap mo?"

Lumapit naman 'yung babae sa nanay niya, "Sino 'yan?" tanong niya at tinuro ako.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon