Chapter 10 : Disapproved

41 7 1
                                    

Makalipas ang halos isang taong pagliligawan, sa wakas ay sinagot na ni Emilia si Adrian. Natutuwa rin naman ang kaniyang mga magulang dahil sa wakas ay sa dami nang nanliligaw at nanligaw sa kaniya ay nagkaroon na rin ng kasintahan ang kanilang anak.

Ngunit may isang taong hindi sumasang-ayon. Tama ka, nahulaan mo, si Antonio nga.

Halos tatlong taon na kasing nanliligaw si Antonio ay hindi rin pala siya ang pipiliin ng babaeng gusto niya.

Kasalukuyang nasa panaderia sina Emilia at Adrian at binebentahan ang mga bumibili.

"Maaari ba akong bumili ng limang pirasong pandesal?" sabi ni Antonio habang nakangiti kay Emilia.

"Maaari. Sandali lamang." Umalis si Emilia upang kumuha ng limang pandesal.

"Magandang umaga sa 'yo, Antonio." pagbati ni Adrian ngunit hindi siya pinansin ni Antonio.

"Heto oh." Iniabot na ni Emilia ang supot ng pandesal.

"Salamat. Ito ang bayad, sa iyo na rin ang sukli." Ngumiti pa si Antonio habang iniaabot ang bayad.

"Antonio, are you okay?" pagtanong ni Adrian kay Antonio.

"Huwag mo akong ini-Ingles." Bumuntong hininga si Adrian, "Hindi maganda ang aking pakiramdam, ipagpaumanhin ninyo. Aalis na ako." Matamlay na umalis si Antonio at nagkatingin naman ang magkasintahan.

"Hindi nga siya okay." sabi lamang ni Adrian at nagkibit-balikat naman si Emilia.

+++

"Nabalitaan ninyo ba ang balita? Yayayain na raw si Emilia ng kaniyang kasintahan ng kasal. Mahabagin, sa wakas!"

Sa lakas ng boses ng kapitbahay ni Antonio ay rinig na rinig niya kahit nasa loob lamang siya ng kaniyang bahay.

"Ano iyon, yayayain na ni Adrian ng kasal si Emilia? Hindi ako makapapayag." ani Antonio at lumabas ng kaniyang bahay.

Napatingin sa kaniya ang mga dilag na nag-uusap labas ng bahay niya.

"Magandang umaga, Antonio!" Nginitian niya na lamang ang mga ito at naglakad na palayo.

Naglakad lamang siya nang naglakad hangga't sa makarating siya sa parke.

"Sana pala'y hindi na ako sumama sa inyo, ginawa niyo akong alalay." Rinig ni Antonio ang tinig ng isang babae.

Napatingin siya sa gawi nila at doon ay nakita niya ang babae na kasama sina Adrian at Emilia.

"We're very sorry, Teresa. You can leave now if you want." sambit ni Adrian na mukhang hindi naunawaan ni Teresa, matalik na kaibigan ni Emilia.

"¡Dios mio, por favor! No entiendo y habla Ingles. ¿Que dijiste?" nagtatakang tanong ni Teresa na siyang tinawanan naman ni Emilia.

(A/N: Translation: My God, please! I don't understand and speak English. What did you say?)

"What? I don't speak Spanish."

"Nakakatawa kayong dalawa." sambit ni Emilia at tumawa nang bahagya. "Teresa, ang sabi ni ginoo, ipagpaumanhin mo raw. Maaari ka naman daw umalis."

"Ako'y nagbibiro lamang kanina, hindi ko nais umalis. Bagkus ay natutuwa nga ako sa inyong dalawa, ang sarap ninyong panoorin." saad ni Teresa at ngumiti. "Siya nga pala, hindi ba't marunong mag-Tagalog iyang kasintahan mo?"

"Oo." sagot ni Emilia.

"Bakit hindi siya nag-Tagalog nang sa ganoo'y naunawaan ko ang kaniyang sinabi?"

"Siguro'y hindi niya lamang napansin 'pagkat siya'y mas gamay sa pananalita ng Ingles."

"Kung ganoon ay sige, ayos lamang."

"Hindi ba't si Antonio 'yon?" pagsingit ni Adrian habang nakaturo sa lalaki at tumingin naman sa gawing 'yon ang dalawang babaeng kasama niya.

"Siya nga! Bakit kaya'y nakatayo lamang siya roon?" tanong ni Teresa. "Antonio, pumarito ka!"

Sa narinig na iyon ni Antonio ay lumapit naman siya kung nasaan sina Emilia.

"Magandang umaga sa inyo, mga binibini." pagbati nito sa dalawang babae saka ito saglit kay Adrian, "At sa iyo rin, Adrian."

"Magandang umaga." sagot ni Adrian.

"Magandang umaga rin sa iyo, Antonio." pagbati naman ni Teresa habang nakangiti.

"Hindi ko batid kung maganda nga ba ang umaga nang dumating ka." sambit ni Emilia at tumawa nang bahagya, "Biro lamang. Magandang umaga rin sa iyo."

Umupo si Antonio sa tabi ni Teresa habang masama ang tingin kay Adrian.

"Tila wala ka sa iyong panaderya, binibini, " sabi ni Antonio, "nais ko sanang bumili ng tinapay."

"Bakit hindi ka bumili? Naroon naman ang aking ama." nagtatakang saad ni Emilia.

"Ikaw lamang ang nais kong pagbentahan ako." Napairap naman si Adrian dahil sa sinabing 'yon ni Antonio. "Siya nga pala, Ginoong Adrian, hindi ba't yayayain mo na ng—"

"Maaari bang manahimik ka?" mariing sambit ni Adrian habang nakayukom ang kaliwang kamao.

"Ah! Ipagpaumanhin mo." nakangising sambit ni Antonio.

"Sinong yayayain mo, ginoo? At ano iyon?" nagtatakang tanong ni Emilia sa kaniyang kasintahan. Tahimik lamang na nakikinig si Teresa sa tabi ng kaniyang kaibigan.

"Ah, w-wala iyon."

Nagtitigan naman ng masama ang dalawang ginoo.

Akin lamang si Emilia.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon