Chapter 33 : Untitled

46 2 0
                                    

Taehyung's Point of View.

"Ginoo, maaari ko bang makita ang mga larawan?" sabi ng isang babaeng kamukha ko. Emilia?

Gan'yan siguro ang itsura ko kapag may wig. Bigla akong natawa sa naisip ko.

"Sure. Here you go." Iniabot naman sa kaniya ng kasama niyang lalaki, na kamukha ni Jimin, 'yung camerang hawak niya. "You look beautiful."

Namula naman si Emilia. "Ang gaganda ng mga ito," sabi niya habang tinitignan 'yung picture do'n sa camera.

"If you like to see more, just click here." Tapos may pinindot si Adrian do'n sa camera. Natawa ako kasi parang Youtube.

"Napakahusay mong kumuha ng larawan, Ginoo." sabi ni Emilia at ngumiti naman si Adrian. Wow, he even smiles like Jimin.

"Syempre. I put my emotions into them." sagot ni Adrian.

"Syempre? Ang ibig mo bang sabihin ay 'of course' o 'always'?" tanong ni Emilia at tinignan naman siyang nagtataka ni Adrian.

"Of course. Bakit always?"

"Sa Espanyol, ang ibig sabihin ng syempre ay always." sagot ni Emilia.

Tumango naman si Adrian. "Oh, then, te amo siempre." Namula na naman si Emilia.

Ano ba 'yan! Ang haharot naman. Respeto naman sa mga single na kagaya ko.

Hindi ko ma-imagine na naghaharutan kami nang gan'yan ni Jimin. Tumataas ang balahibo ko.

"Nais mo na bang kumain? Halika't may alam akong kainan." aya ni Emilia habang ibinabalik kay Adrian 'yung camera. Napakaganda nung camera kaso mukhang wala nang gan'yan ngayong modern times.

"Tila ang dami mong alam na kainan." sabi ni Adrian at isinukbit sa leeg niya 'yung tali ng camera.

"Syempre, sapagkat dito ako naninirahan."

"Is that an 'of course' or 'always'?"

Tumawa naman nang bahagya si Emilia, "Of course."

"Okay then, let's go."

Kasabay ng pag-alis nila ay ang paggising ko mula sa panaginip na 'yon.

Nagkusot ako ng mga mata nang bahagya. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bedside table para sana tignan ang oras but I ended up looking at the wallpaper. It was a picture of me and Jimin together.

Binuksan ko ulit ang cellphone ko and this time, tumingin na ako sa oras. It's freaking 6:00 in the morning.

Ang aga ko namang nagising. Usually, nagigising ako nang 8:00 or 9:00, pero kapag may pasok ay 7:00.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumuntong hininga.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Wala pa sila rito. Mukhang mga tulog pa.

Pumunta ako sa CR para maghilamos. I usually take 20-30 minutes to finish, minsan isang oras. Kasi kapag sa umaga, nag-i-skin care ako. Pati sa gabi. Pero minsan nakakaligtaan ko kapag pagod ako.

Si Jimin, sabon at tubig lang ang skincare pero ang kinis ng balat. Naknampucha! Sana lahat. Matanong nga kung anong sabon ang gamit niya.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng CR at bumungad naman sa 'kin si Yeri.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon