Chapter 12 : First Meetings

78 7 0
                                    

Anim na taong gulang si Taehyung nang una niyang makilala si Jimin. Kaarawan niya noon at nasa isang Amusement Park sila ng kaniyang nanay, celebrating his birthday.

"Mama!" iyak ni Taehyung habang naglalakad, hindi alam kung saan pupunta. Oo, nawawala siya. "Nasaan na kayo?"

Sa paglalakad niya ay may nakabangga siyang batang lalaki na mas matangkad sa kaniya pero sa tingin niya'y kaedad niya rin.

"Hala! Bakit ka umiiyak?" tanong sa kaniya ng lalaki.

"Hinahanap ko si Mama." sagot niya at pinunasan ang mga luha.

"Nawawala ka rin? Ako rin." sabi ng batang lalaki sa kaniya. Bakit kalmado pa rin siya kahit nawawala siya? "Hoy, tama na iyak ha, mahahanap din natin 'yung magulang natin."

"O-okay." tango niya. "Pwede ba akong humawak sa kamay mo?" nahihiya niyang tanong.

"Oo naman, pwede." nakangiting sagot ng lalaki. Kumapit naman siya sa kamay ng bata kahit hindi niya pa ito kilala. "By the way, I'm Jimin Park. Ikaw, anong pangalan mo?"

Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin ang pangalan niya. Feeling niya kasi ay mapagkakatiwalaan ang bata at feeling niya rin ay matagal na niyang kilala ang lalaking 'to kahit kakakilala lang nila. "My name is Taehyung Kim, you can call me Taetae."

"Okay, Taetae, we'll find our parents, okay? Kapit ka lang sa 'kin." Napansin niyang nakangiti at kalmado pa rin si Jimin kahit na nawawala silang dalawa.

Ngumiti na lang din, "Salamat."

"You're welcome!"

Nagsimula silang maglakad ulit para hanapin ang mga magulang nila.

"Taetae, how old are you?"

"I just turned 6 today."

Nanlaki ang mga mata ni Jimin at ngumiti nang malapad, "Hala! Birthday mo ngayon? Happy birthday! Ako rin, 6 years old na, birthday ko ay October 13. I'm older than you by 2 months."

Taehyung can't help but giggled. Jimin is so cute. "Should I call you hyung?" tanong niya kay Jimin habang nakatagilid ang ulo niya sa kanan.

"Oh, no need. 2 months lang agwat natin eh." nakatawang sagot ni Jimin at nag-pout naman si Taehyung.

"I-I still wanna call you hyung. All right, Jimin hyung?"

Jimin laughed, "Sige, ikaw ang bahala."

"Jiminnie!"

"Taehyung-ah!"

Sabay silang napalingon sa kung sinong tumawag sa kanila. Their moms.

"Mama!" sigaw ni Taehyung at binitawan ang kamay ni Jimin saka tumakbo sa kaniyang nanay.

"Mommy!" Jimin also ran to his mother, hugging her. "Mom, I made a new friend." anunsyo niya sa kaniyang nanay.

"Mama, tinulungan ako ni Jimin hyung." masayang sabi ni Taehyung sa kaniyang nanay.

"Biruin mo, magkaibigan na pala ang mga anak natin." natatawang sabi ng nanay ni Taehyung sa nanay ni Jimin.

"Oo nga eh, what a small world."

"Jimin hyung." pagtawag ni Taehyung at bumitaw sa kaniyang nanay para lumapit kay Jimin.

"Hmm?"

"Thank you so much. I hope to see you next time."

"Me too. Nice to meet you, Taehyung. And happy birthday again." Ngumiti nang malapad si Taehyung at niyakap si Jimin na siya namang niyakap pabalik ng nakatatanda.

+++

Two months after, Taehyung and Jimin met again. Bagong lipat noon sina Taehyung sa subdivision na tinitirahan nina Jimin. At napakaliit nga naman ng mundo, magkatapat lang ang bahay nila.

Nasa labas ng bahay si Jimin habang nilalaro 'yung pusa niya nang makita niya ang isang sasakyang huminto sa tapat niya. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang pamilyar na bata.

Napasinghap siya nang mapagtanto kung sino ang bata. "Taehyung?"

Napalingon naman ang bata sa kaniya. "J-Jimin hyung? Hala, Jimin hyung!"

Tumakbo ang batang si Taehyung papunta kay Jimin at niyakap ito, "Nagkita tayo ulit."

"What a small world."

Nakaramdam si Jimin ng balahibo sa paa niya at doon niya lang napagtanto na nilalaro niya nga pala 'yung pusa niya.

Napansin din naman ni Taehyung ang pusa, "Hala, ang cute niya. What's its name?"

"Her name is Luna. She's a calico cat." nakangiting sagot ni Jimin at binuhat si Luna.

"May pet din ako pero aso. His name is Oreo, an aspin." nakangiting sabi ni Taehyung.

"Where is he?" kunot-noong tanong ni Jimin habang hinihimas ang likod ni Luna.

"At my grandma's house."

"Taehyung-ah, uwi muna rito, kakain na. Mamaya ka na lang ulit makipaglaro." rinig ni Taehyung ang tawag ng nanay niya.

"Sige na, Taehyung, mamaya na lang. Eatwell!"

"Okay. See you soon!"

Nagpaalam na sila sa isa't isa at bumalik naman si Jimin sa pakikipaglaro sa pusa niyang si Luna.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon