Chapter 5 : First Meeting

67 8 0
                                    

Isang magandang umaga na naman para kay Emilia nang buksan niyang muli ang kaniyang panaderya. Lumanghap siya ng preskong hangin ngunit bigla siyang napaubo nang makita ang kaniyang masugid ngunit asungot na manliligaw.

"Magandang umaga, mahal kong Emilia." nakangiti pa nitong sambit.

"Kanina'y maganda ang aking araw, pero ngayo'y hindi na." pagsusungit nito at inayos na lamang ang pwesto ng mga tinapay sa pinaglalagyan nito.

"Grabe ka naman. Maaari ba akong bumili ng iyong tinapay?" nakangisi pang sambit ng kaniyang manliligaw.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Antonio. Sinisira mo ang aking magandang araw. "

Napanguso naman si Antonio dahil doon, "Pero seryoso, Emilia, bibili ako ng tinapay." Naglahad pa siya ng labinlimang piso kay Emilia.

Nirolyo ni Emilia ang kaniyang mga mata, "Anong tinapay?"

"Pandesal, sampung piraso." nakangiting sagot ng lalaki.

"Sige, maghintay ka diyan." Tumango naman si Antonio at nginitian si Emilia, nirolyo lamang ng babae ang lalaki bago ito pumasok sa loob upang kumuha ng pandesal.

Bumalik siyang dala-dala ang mga pandesal at nakalagay ito sa supot. Iniabot naman niya ito kay Antonio, "Oh, heto na ang pandesal. Ang bayad, akin na."

Kinuha naman ni Antonio ang supot ng pandesal bago iabot ang dalawampung piso kay Emilia, "Heto oh. Pwede bang sa iyo na lang din ako?" nakangisi pa nitong sabi.

Umiling-iling naman ang babae at nirolyo ang mga mata. Nilagay niya ang P20 sa lalagyanan at sinuklian ng P15 si Antonio dahil nagkakahalagang piso ang dalawang pandesal.

"Salamat, aking binibini." Kumindat pa ang kaniyang manliligaw na siya namang inirapan lang muli. Bago pa makaalis si Antonio ay may lalaking tumigil sa tapat ng panaderya ni Emilia.

Nang makita ni Emilia ang bagong dating na lalaki ay napanganga ito. Nabighani ito sa ganda ng ngiti ng lalaki. Ang itim nitong buhok ay bagay na bagay sa postura ng lalaki.

"Hello, miss. What's your name?" Pambungad na tanong sa kaniya ng lalaki. Nagulat siya dahil Ingles ang salita nito.

"Uhm, Emilia." nahihiya nitong sagot.

"I like it. Such a beautiful name for a beautiful girl. I'm Adrian, by the way." nakangiting sambit ng lalaki.

Ngumiti naman pabalik si Emilia. Nakatitig lang siya sa lalaki. Napakagwapo ng ginoong ito.

"Uh, may maipaglilikod ba ako?"

Kumunot ang noo ng lalaki, "What?"

"Oh, I mean, is there something I could do to help you?"

"Oh! Yes. I'm looking for Florence Imperial, he said he's going to show me a house that I could rent here in this village. Could you tell me where he is?"

Sa narinig niya, napagtanto niyang tatay niya pala ang tinutukoy ni Adrian.

"Oh, you might be looking for my father. Just wait here and I'm going to call him, okay?" Tumango na lamang ang lalaki at pumasok naman ang babae sa loob ng bahay nila.

Habang naghihintay ay napalingon naman si Adrian kay Antonio na hindi pa umuuwi't nanonood lamang sa pag-uusap ng dalawa.

"Hello!" pagbati ni Adrian ngunit inirapan lang siya ni Antonio at saka'y umalis na. Nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang ang dayuhan.

"Ama, ayan iyong lalaking naghahanap sa iyo." Nang marinig niya 'yon, napalingon siya sa direksyon ni Emilia. Napakagandang binibini.

"Hello, Mr. Imperial. I'm Adrian, I was the one you were talking to on the phone yesterday."

"Oh, yes, was it about the rent?" Tumango lang ang dayuhan. "Right, follow me." Nagpaalam naman siya sa kaniyang anak at umalis na kasama ang dayuhang lalaki.

Umupo si Emilia at bumuntong hininga. Isa nga itong magandang umaga para sa kaniya. Sana'y makita ko siyang muli.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon