Chapter 8 : Challenge

46 7 0
                                    

Simula noon ay halos araw-araw na silang nagkikita. Pupuntahan ni Adrian si Emilia sa panaderya niya at aayaing lumabas na siya namang sasang-ayunan ng babae.

Dahil do'n ay nainis si Antonio at tinuring na karibal si Adrian kay Emilia. Halos isang taon na itong nanliligaw sa binibini ngunit hindi pa rin siya nito sinasagot. At ngayon ay nabalitaan niyang may bagong manliligaw ang babae at mukhang may gusto ang dalawa (Adrian at Emilia) sa isa't isa.

Hindi ako papayag.

Isang araw nang dumalaw muli si Adrian sa panaderya, naroroon si Antonio. Binati naman siya ni Adrian at walang kaalam-alam na kinaiinisan siya ni Antonio.

"Hoy, Adrian!"

Nagulat si Adrian dahil sa pasigaw na pagtawag sa kaniya ni Antonio, "Ano 'yon?"

"Hinahamon kita sa isang duelo." Mariing sabi ni Antonio habang masama ang tingin sa dayuhan.

Pabalang na sumagot si Adrian, "Duelo? But we don't even have guns or swords. How can we do that?"

"Kutsilyo na lamang. Ayos ba 'yon sa 'yo?" nirolyo ni Antonio ang kaniyang mga mata. "Bumalik ka na nga sa bansa mo."

"Antonio, hindi ko nais makipag-away. Ako'y bumibisita rin lamang kina Emilia dahil nais ko siyang makita. Parehas lang tayo ng intensyon kung bakit nandito tayo sa tapat ng kaniyang panaderya, tama ba?"

"Tama nga, ngunit ikaw ang pinipili niya. Hindi ako makapapayag. Halos isang taon na akong nanliligaw sa kaniya tapos ikaw itong ilang araw pa lang ay mukhang mas may pagkakataon ka pang sagutin niya. Hindi 'yon maaari."

"Maybe she doesn't like you. Sabi mo nga'y halos isang taon ka nang nanliligaw sa kaniya pero ako ang pinipili. Pag-isipan mong mabuti kung bakit."

Niyukom ni Antonio ang kamao niya at akmang susuntukin na sana niya si Adrian nang dumating si Emilia, "Antonio, itigil mo 'yan."

Ibinaba ni Antonio ang kamao niya at sinamaan ng tingin ang isang lalaki, "Adrian, hinahamon kita sa isang duelo. Ang mananalo ang siyang pakakasalan ni Emilia."

Umiling si Adrian, "Pasensya na ngunit hindi ko nais makipaglaban."

"Isa kang duwag." nakangising sambit sa kaniya ni Antonio.

Napatigil siya dahil do'n. Duwag? Siguro nga'y isa akong duwag. "Tinanggihan ko man ang hamon mo ay hindi kahulugan no'n ay duwag ako. Ngunit kung 'yon ang kahulugan mo ng duwag, sige, tinatanggap ko na ang hamon mo."

"Adrian, Antonio, tama na nga 'yan! Ayokong maglaban kayo nang dahil lang sa 'kin."

"Para sa 'yo ito, binibini." sambit ni Antonio. "Magkita tayo bukas sa parke, alas diyes nang umaga. 'Wag kang mag-alala, sagot ko na ang mga espada." Ngumisi si Antonio bago umalis.

Nagkatingin naman sina Emilia at Adrian. "Pasenya ka na sa inasal ni Antonio." Yumuko ang babae bilang paghingi ng tawad at ngumiti nang bahagya.

"Ayos lang 'yon, Emily. Maaari ba akong bumili ng tinapay?"

Parehas silang napatawa. "Maaari naman. Ano ang nais mong tinapay?"

"Ano ba ang 'yong paborito?"

Agad na sumagot si Emilia, "Ensaymada."

"Sige, pabili ako ng dalawang ensaymada at sa 'yo ang isa." sabi nito sa binibini at kumindat.

Namula naman ang pisngi ng babae, "Salamat, ginoo."

"Walang anuman, binibini."
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon