Chapter 62 : Double Proposal

38 3 16
                                    

A/N: get ready to cringe! HAHAHA
-

one week later...

Taehyung's Point of View.

"Hoy, nasaan na ba si Jimin? Nasa kaniya 'yung mga singsing." halos nagpa-panic na tanong ni Namjoon hyung.

"Kalmahan mo lang, hyung! Wala pa naman 'yung dalawa." sabi sa kaniya ni Jungkook.

Nandito kami sa isang restaurant sa isang mall at hinihintay namin 'yung dalawa. Umalis sila kasi magbabanyo raw si Hoseok hyung tapos si Seokjin hyung naman ay may bibilhin lang daw.

At si Jimin? Susunod na lang kasi pumasok pa siya sa coffee shop para magtrabaho at pagkatapos ay kukunin niya rin 'yung mga singsing na binili nina Yoongi hyung at Namjoon hyung. Ewan ko kung nasaan na siya kasi alas sais na at wala pa rin siya.

Maya-maya ay may lumapit sa 'ming waiter, "Ready to order po?"

"Yes, please." sabi ni Namjoon hyung.

Habang umoorder sina Namjoon hyung at Yoongi hyung, kinuha ko ang phone ko sa mula sa bulsa ng aking shorts.

Oy, may text si Jimin.

Binasa ko ito at napamura ako.

"Namjoon hyung! Yoongi hyung!" Lumingon naman silang dalawa sa 'kin. "Baka raw mahuli siya ng dating kasi kakahuha niya lang ng mga singsing niyo at may banggaan daw, medyo traffic din."

"Punyeta!" mura ni Yoongi hyung at tumawa naman kami ni Jungkook.

Seokjin's Point of View.

"Hoseok!" lumundag ako sa tabi niya habang naghuhugas siya sa may salaminan, "Anong pwedeng iregalo kay Namjoon? Isang buwan na lang, birthday niya na."

Tinignan niya ako nang nagtataka, "Akala ko ba bumili ka na?" Nagpagpag siya ng kamay at saka ito itinapat sa hand dryer.

"Eh... galing nga akong Bench pero hindi ko alam kung anong bibilhin ko kaya bumalik ako rito sa CR." I laughed awkwardly.

Nag-poker face siya at tinanggal ang kamay niya sa tapat ng hand dryer. "Next week ka na lang bumili, may isang buwan ka pa naman." Napanguso na lang ako.

Halos 5 years ko nang boyfriend si Namjoon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong bibilhin para sa kaniya. I mean, I know what he likes, pero hindi ko alam kung magugustuhan niya ba kapag niregaluhan ko siya.

For the past 5 years ay nilulutuan ko lang siya ng paborito niyang afritada kapag birthday niya, kahit kapag anniversary namin ay gano'n din. Feeling ko nga ay nagsasawa na siya.

Samantalang siya ay iba-iba ang ginagawa niya sa tuwing birthday ko or anniversary namin.

Anong klase akong boyfriend?

What am I going to do?

Lumabas na kami ng restroom at naglakad pabalik doon sa restaurant.

Nang-aya kasi sina Yoongi na gumala naman daw kami sa mall ulit na magkakasama. Kaya ayon, umabsent si Namjoon, na naman, sa school para makasama. Pero hindi sumama si Jimin kasi gusto niya raw pumasok doon sa trabaho para may sweldo siya. At kung susunod man siya, baka wala na siyang maabutan.

Nakarating na kami sa restaurant at pumunta roon sa pwesto namin kanina. Umupo na ako ulit sa tabi ni Namjoon at umupo naman si Hoseok sa tabi ni Yoongi.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon