Chapter 20 : Cuddle

46 4 0
                                    

[ A/N: A boring chapter, y'all. Sorry :(( ]

Jimin's Point of View.

Tapos na ang photoshoot ni Taehyung at nandito kami ngayon sa karinderya ni Jin hyung, kumakain ng lunch.

"Jungkook, pahingi pa nga sabaw." sabi ni Taehyung at inabot kay Jungkook 'yung mangkok.

"Pangatlo mo na 'to, ah? Grabe ka naman, hyung." sabi ni Jungkook bago kunin 'yung mangkok.

"Bakit ba? Libre naman sabaw eh." tumatawang sabi ni Taehyung.

"Jungkook, ako rin." inabot ko rin 'yung mangkok ko.

Umirap siya bago pumunta sa kusina habang dala-dala 'yung dalawang mangkok.

"Gutom na gutom ka, Taehyung, ha." sabi ni Jin hyung at lumingon naman sa kaniya si Taehyung.

"Syempre. Halos tatlong oras akong nakatayo sa harap ng camera, mukha na akong tanga." Natawa ako sa sinabi niya.

"Ilang buwan ka na bang nagpa-part-time model?" tanong ni Jin hyung.

"9 months." sagot ni Taehyung at sumubo ng pagkain.

Dumating na si Jungkook, dala-dala 'yung sabaw namin. Yes!

"Oh." nilapag niya sa harap namin 'yung mangkok namin.

"Thanks, Gguk." sabi ko at nag-thumbs lang siya.

May dumating na costumers kaya tumahimik na kami at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ni Seokjin hyung 'yung pinagkainan namin at nilagay sa kusina.

"Gguk, may tanong ako sa 'yo." Ang random talaga nito ni Taehyung.

"Ano 'yon?" nakakunot-noong tanong ni Jungkook.

"Nililigawan mo ba 'yung kapatid ko?" Natawa ako dahil do'n.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jungkook. Kunwari nagulat siya. "Huh? H-hindi, ah. Hindi niya nga alam na crush ko siya eh."

Kami naman ang nagulat ni Taehyung. Akala ko nag-aminan na sila?

"What do you mean?" Ako naman ang nagtanong.

"Para lang kaming kayo. Close at sweet sa isa't isa, pero magkaibigan lang." sagot niya.

Ah, hayop! Ang sakit sa tenga no'ng 'magkaibigan lang.'

"Gano'n? Sige, maganda rin naman kung gano'n. Patapusin mo munang mag-aral si Yeri bago mo siya ligawan." sabi ni Taehyung at tumawa.

"I agree." sabi ko naman.

"OMG, Jimin! Sayang, hindi ko nadala 'yung diary." Napabalikwas ako nang sumigaw siya.

"Pwede mo namang basahin sa bahay niyo ah."

He pouted, "Naalala ko 'yung panaginip mo. I'm really curious."

"Uwi na tayo, gusto mo?" tanong ko at hindi ko inasahang tumango siya agad. Ang bilis, ah.

"Tara na." Tumayo na kami mula sa kinauupuan ko. "Guys, uwi na kami. See you next time."

"Bye, ingat kayo!" sabi ni Jin hyung at tumango lang kami.

"Mag-tricycle tayo."

"Malamang! Kung lalakarin natin, aabutin tayo ng gabi."

"Gago." hinampas niya 'ko sa braso. Ang sakit.

"Bakit? Totoo naman eh." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon