Chapter 41 : Spoiler - They Almost Kissed

48 3 18
                                    

Taehyung's Point of View.

"Yeri, nandito na si Jungkook!" sigaw ko sa tapat ng hagdanan kasi nasa kwarto niya siya.

"Wait lang!" sigaw niya pabalik.

"Wait lang daw, Gguk." Umupo ako sa tabi niya na nakaupo sa sofa. "Bati na kayo?"

Ngumiti siya at tumango, "Oo, hyung. Nag-call kami kagabi tapos sorry siya nang sorry habang umiiyak."

"Ah. Kapag 'yon sinaktan mo pa, sasapakin na talaga kita. Atsaka kapag inaya ka pa ulit ni Therese o kahit sinong babae na hindi si Yeri, 'wag ka nang pumayag, okay? Ikaw talaga!" Akmang babatukan ko siya pero hindi ko na tinuloy.

"Okay." Iilag dapat siya pero na-realize niya na hindi ko tinuloy 'yung pagbatok sa kaniya kaya umayos siya ng upo. "Ay, oo nga pala, game ka ba sa sabado?"

Tinignan ko siya nang nagtataka, "Anong meron sa sabado?"

"Wala lang, outing daw, swimming. Since ang tagal na rin noong huli. Libre nina Yoongi hyung." Aba, ayos 'yan ah.

"Sure, game ako! Isama na rin natin si Yeri."

Tumango siya, "Ayos 'yan, para hindi ako ma-out of place. Baka magmukha akong seventhwheel do'n kung wala si Yeri."

Tumawa ako nang napakalakas, "Sira!" Tinuluyan ko na siyang batukan pero mahina lang. "Si Jihyun din, isama natin."

"Jihyun?" Ay, hindi niya pa nga pala alam na umuwi na 'yung kapatid ni Jimin.

"Si Jihyun, 'yung kapatid ni Jimin. Kakauwi niya lang noong nakaraang araw."

Nag-hum siya at tumango-tango, "Sige, sige. Pero kung papayag siya. Atsaka sabihan mo na rin si Jimin hyung mamaya, ha."

Tumango ako, "Sige, tapos tatanungin ko na rin si Jihyun kung gusto niyang sumama." Tumango na lang siya pabalik.

"Hey! Anong meron?" Aba, buti natapos na rin sa pag-aayos si Yeri.

"May swimming daw kami sa sabado, sama ka ba?" tanong ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"Oo naman, sama ako!" masayang sabi niya. "Teka, ako lang babae?"

Tumawa si Jungkook sa tabi ko, "Gano'n na nga."

"Okay lang, at least may pito akong kuya na magbabantay sa 'kin." she grins widely.

"Kuya? Kasama ako sa kuya? Seryoso ka ba, Yeri?" parang nanggigil na sabi ni Jungkook. Triggered po siya.

Tumawa si Yeri nang pagkalakas-lakas, "Ay, anim lang pala, kasi 'yung isa ay boyfriend ko." tapos ngumiti siya.

Halos sabay kami ni Jungkook na nanlaki ang mga mata. Boyfriend? Sila na ba?

"H-hoy, anong boyfriend?" gulat na gulat na tanong ni Jungkook.

"Kayo na ba?" tanong ko naman.

She giggles, "Akala ko ba sinagot na kita kagabi?" sabi niya kay Jungkook.

What?

Nag-blush naman ang mokong. "Ah, oo nga pala." he laughs, "Taehyung hyung, mag-jowa na nga pala kami."

"Naknampucha!" Umalis ako mula sa sofa at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko. "Ma, si Yeri, may boyfriend na—ay, umalis nga pala sila ni Papa." Tinawanan naman nila ako. "At bakit wala kang sinasabi sa 'min kanina?" tanong ko sa kapatid ko.

She grins, "Surprise!"

"Tangina, lumayas na nga kayo! Baka ma-late ka pa, Yeri." Hahampasin ko sana 'yung kapatid ko pero hindi ko na tinuloy.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon