Chapter 37 : 'Friendly Date'

55 3 13
                                    

Taehyung's Point of View.

Nandito kami sa isang arcade sa mall and kasalukuyang naglalaro si Jimin ng basketball habang nakanganga akong pinapanood siya.

Sa bawat pagbato niya ng bola ay naishu-shoot niya ito sa ring. Paano niya nagagawa 'yon?

"What the heck! Ang galing mo, Jimin." sabi ko sa kaniya at narinig ko naman siyang tumawa nang marahan.

"Tsamba lang." sabi niya at nag-shoot ulit ng bola sa ring. Pa-humble, amp.

Pagkatapos niyang maglaro ay nilapitan niya ako habang nakangiti sa 'kin. "Hm, Jiminnie?"

Tinitigan niya ako habang nakatikwas ang ulo niya sa kanan. "I'm hungry." sabi niya sa maliit na boses. So cute!

Napangiti ako at tumawa nang marahan, "Ako rin. Saan mo gustong kumain?"

Umakto pa siyang nag-iisip. "Kahit saan basta kasama ka," binalik niya sa normal ang boses niya at kumindat pa siya.

Hindi ka kinikilig, self, hindi.

Tumawa ako para maitago ang pamumula ko, "Kahit saan? Ang hirap naman no'n." nag-pout ako. " Sa Jollibee, gusto mo?"

Tumango-tango naman siya, "Sige!"

Ngumiti ako at inakbayan siya, "Let's go then, I'm so hungry." Pagkatapos ay humagikhik siya. Ang cute!

+++

Nasa Jollibee na kami at kakatapos lang naming umorder, kasalukuyan kaming naghihintay na dumating ang order namin.

"Hindi ko sinasabing nahihiya ako dahil ikaw na'ng gumastos sa lahat, pero parang gano'n na nga." biglang sabi ni Jimin pero nginitian ko lang siya.

"It's okay. For you, everything is worth it." sabi ko sa kaniya at ngumiti rin naman siya.

"Thank you. Pero hoy, friendly date lang 'to ah." he laughs. Friendly date.

"Of course, friendly date. Ano pa ba?"

Bakit pa ba ako nasasaktan? Kapag gumagala kami niyan, nang kaming dalawa lang, it would always a friendly date.

Umiling siya at tumawa nang marahan, "Hindi ka na ba babalik do'n?"

Tumahimik ako sandali. Actually, I still wanna work for them. Gusto ko pa ring mag-model. But that company always gives me anxiety, I don't know why.

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam, Jimin. Simula noong inamin ni Minsung na gusto niya ako, sa tuwing papasok ako ng building na 'yon, the people there would always stare at me and it gives me anxiety. I feel like everyone hates me but they're nice to me naman."

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Taehyung, don't mind them, okay? 'Wag kang magpapadala sa mga nakakatakot na titig nila. If they're nice to you, just be nice too. Ano naman kung i-judge ka nila? It doesn't reflect your personality." he smiles, "I'm always here even if you don't need help. Always."

Gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko. Naiiyak ako palagi sa mga mabubulaklak na salita niya. "Thank you for always being there for me, Jiminnie."

He nods and let go of my hand, "No need to thank me, it's my responsiblity to protect you, Taetae."

I really wanna cry right now. Ano bang pinagsasabi mo, Jimin?

Maya-maya lang ay dumating na ang orders namin. Dalawang spaghetti with chicken joy, dalawang coke, dalawang choco sundae at dalawang extra rice.

"Yey! Let's eat na." sabi ko at tinanggal sa plastic 'yung kanin.

+++

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon