Chapter 2 : The Flower Thief

132 8 0
                                    

Lumipas ang sampung taon, maraming nagbago. Naging madilim ang buong kaharian. Ang mga tao ay madaling magalit, mainitin ang ulo at nagsusungit. Kung ano ang hari ay siya ring mga tao sa palasyo.

Hindi na siya ang Dongmin na kilala ng lahat. Ang itsura niya ay nagbago at malayo sa kung anong itsura niya noon. Halos hindi na siya makilala ng mga tao. Kinatatakutan na rin siya ng mga ito. Ngunit wala siyang pakialam. Nawalan na siya ng pakialam sa lahat. Ang tanging nagpapasaya na lamang sa kaniya ay ang kaniyang hardin na puno ng magaganda at malulusog na mga halaman.

Halos araw-araw niyang dinidiligan ang mga ito, hindi niya hinahayaang galawin ang mga ito ng iba. Pagmamasdan ng iba, sige, pero galawin ay hindi pwede. Halos linggo-linggo rin siyang nagtatanim ng bagong halaman. Masaya siya kapag nakakapagtanim siya at dinidiligan ang mga halaman. Napapasaya siya ng kaniyang hardin.

Ngunit isang araw, lumapit sa kaniya ang isang tauhan ng palasyo na may pagtataranta, "King Dongmin, I have bad news for you."

"What is it?" nagtataka niyang tanong.

"Someone stole your roses." Nabigla siya sa balitang 'yon. Halos itulak niya ang tauhan at nagmadaling pumunta sa kaniyang hardin. At oo nga, nawawala ang mga rosas niya. Napayukom ang kaniyang mga kamao.

+++

Tatlong araw nang may nagnanakaw sa hardin niya. Naiinis man ngunit wala siyang magagawa dahil wala na nga ang mga ninakaw na halaman. Nagtanim na lamang muli siya ng bago.

Kinabukasan ay nabalitaan na naman niyang ninakaw ang mga lavender niya. "Who has been stealing my flowers?" Galit na galit na siya, gusto niyang hulihin ang magnanakaw dahil sigurado siyang iisang tao lang ito.

Kaya nang kinagabihan ay hindi siya natulog upang hintayin ang magnanakaw at mahuli ito. Nagtago siya sa lugar na hindi siya makikita ng magnanakaw.

Ilang saglit lang ay dumating na nga ang magnanakaw. Isang babaeng nakabalot ng kumot ang katawan. Maikli ang buhok nito at matangkad ngunit sigurado siyang mas matangkad siya sa babae. Kinuha ng babae ang mga rosas at lavenders. Napagtanto ni Dongmin na hilig nakawin ng magnanakaw ang mga rosas at lavender.

Imbes na lapitan ito at hulihin ay hindi siya gumalaw sa kinaroroonan niya at hinayaang makaalis ang babae.

"She's beautiful. I wonder what's her name?"

Nakaramdam siya ng lungkot at awa. Pakiramdam niya ay may mabuting dahilan kung bakit nagnanakaw ang babae sa hardin niya. Naisipan niyang sundan ang babae ngunit hindi na siya kampanteng lumabas ng kaharian. Natatakot siyang husgahan ng mga tao sa labas ang kaniyang itsura dahil pangit na ito at ibang-iba na kaysa sa itsura niya noon. Napagdesisyunan na lamang niyang pumasok muli sa palasyo at mag-isip-isip.
-

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon