Chapter 39 : Cheating?

52 3 14
                                    

A/N : kung ayaw niyo ng Jungkook x Therese moments, pwede niyo namang hindi basahin itong chap na ito,, pero kung di ka naman mapili edi gorabels lang haha— teka, gusto niyo ba ng JungRim?
-

Jimin's Point of View.

It's wednesday and this is my second day working at Kopi Parlor. At may pakiusap sa 'kin si Therese kanina.

Flashback ¬

Medyo na-late ako nang ilang minuto nang makarating ako sa Kopi Parlor. Pagkapasok ko ay may mga costumer na agad na nakapila sa counter.

"Jimin, hurry up!" sigaw ni Tita Irene at tumango naman ako.

Tumakbo ako papunta sa kusina at inilagay ang maliit na bag ko do'n sa lalagyanan. Lalabas na sana ako nang makasalubong ko si Therese. "Oh, hey!" pagbati ko sa kaniya at ngumiti nang bahagya.

Gumanti rin naman siya ng isang ngiti. "Uh, Jimin, can I ask you something?"

Tumango ako, "Sure. Ano 'yon?"

"Kasi ano, hinahanap ka ng mga costumer sa 'min kahapon, mukhang gusto ka talaga nila rito. So uhm, I thought about it and I'm going to ask if you would want to work here whole day?"

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, "What do you mean?"

"I mean, instead of just morning shift, hanggang afternoon shift. Dodoblehin namin ang sweldo mo pero MWF pa rin. Agree?"

Prinoseso ko muna sa isip ko 'yung sinabi niya bago ako sumagot. "Hm, hanggang anong oras ba 'tong shop niyo?"

"Until 8:00." What?

"You mean, 12 hours akong magtatrabaho rito?"

Tumawa siya nang marahan, "Hindi naman 12 hours, may breaktime din ng 1 hour. Kung gusto mo, hanggang 4:00 ka lang. Okay lang ba, Jimin? Please?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang pakikiusap at pagmamakaawa. "You're just new but people really like you- oh, it lowkey rhymed." tapos tumawa na naman siya.

Napatawa rin ako. "Okay, then."

"Yes! Thank you, Jimin." Akmang yayakapin niya ako pero pinigilan ko siya. "Ay, sorry."

"I'll get to work na."

End of flashback ¬

"Jimin, pwede nang mag-break, may pagkain sa kusina. Samahan mo si Andy kumain do'n." sabi ni Bianca, 'yung co-cashier ko. Si Andy ay co-cashier ko rin.

"Anong oras na ba?" tanong ko at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko saka tinignan ang oras. Mag-aala una na pala.

"Hoy, may pupuntahan lang ako, ha. Kayo nang bahala rito. Goodluck!" sabi ni Therese na mukhang kakalabas lang yata ng kusina.

"Hoy, saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Bianca.

"Basta, may date ako." tapos humagukhik pa siya at mukhang kinikilig pa. Nandiri ang mukha ko.

"Hindi ka pa rin magkaka-jowa!" sigaw ni Bianca nang nasa pintuan na si Therese.

"Gago!" sigaw pabalik ni Therese bago tuluyang lumabas ng shop.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon