Chapter 48 : Officially Baby

49 4 14
                                    

Taehyung's Point of View.

"Taehyungie!" Niyakap ako ni Jimin at kaagad ding kumalas. "How's your sleep?"

"Great." Naglakad kami papunta sa sofa. Lahat sila ay kumakain na.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng shorts ko at tumingin sa orasan. It's almost 10:00 in the morning.

May kinuha siyang plato na may lamang pagkain mula sa lamesa at binigay sa 'kin. "Here, Taetae. Eatwell!"

Tinanggap ko ito at ngumiti, "Thank you."

Sa sahig na kami kumain ni Jimin kasi occupied 'yung sofa nung tatlong kupal— couple pala.

Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko kaya napalingon ako sa kaniya. What's going on?

"Jimin." Bumangon siya at tumingin sa 'kin habang nakangiti, and he makes this cute humming sound. "Wala lang." Kinunot niya ang noo niya at ngumuso.

What is he cute for?

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na nila ang buong lamesa.

"Tara, laro tayo spin the bottle." sabi ni Hoseok hyung habang may hawak na ubos na bote ng softdrink.

"Game!" masiglang sagot ni Jungkook.

"Hindi ako sasali." Lahat sila napatingin sa 'kin. Tumayo ako mula sa sofa.

"Bakit? Hindi na rin ako sasali." Tumayo si Jimin mula sa sofa at lumapit sa 'kin.

Lumabas ako ng apartment at sinundan naman ako ni Jimin.

"Baby, what's wrong?" Ayan na naman siya.

Naglakad ako hanggang sa pinakamalapit na bench at umupo rito. Umupo rin naman sa tabi ko si Jimin.

"How many times do I have to say—"

"Akala ko ba okay na sa 'yo na tawagin kitang gano'n?" What?

"Pumayag ako?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah, kagabi. Wala ka bang naaalala?" Mas lalo akong nagtaka. Anong pinagsasabi niya?

Meron ba akong dapat alalahanin? "May nangyari sa 'tin kagabi— ay, ang pangit pakinggan— anong nangyari kagabi?"

"Seriously, you don't remember? Nabagok ba 'yang ulo mo kagabi kaya wala kang maalala?" Pumikit-pikit ako at sinubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Flashback ¬

"Kuya— Oh my God!"  Napabalikwas kami at muntik pa akong mahulog sa pool kung hindi ako hinila ni Jimin.

"What the fuck, Yeri?" halos sigaw ko sa kaniya.  Ayon na 'yon eh, paepal naman 'tong kapatid ko. "Ano?" naiinis na tanong ko.

"N-nevermind. Sorry." Nag-peace sign pa siya bago umalis.

Nagkatingin kami ni Jimin at sabay na tumawa. Pagkatapos ay bumuntong hininga. "So, now what?" he asks.

Nagkibit-balikat ako at nag-pout, "I-I don't know."

"Uhm, can I officially call you baby now?" Lumunok ako at hindi sumagot. The butterflies in my stomach really go crazy with that pet name.

"Sure." I smile as he leans closer to me.

"Yes!" Sa sobrang excitement niya, naitulak niya 'ko kaya nahulog ako sa pool. "Shit, baby, I'm sorry!" Iyon ang huli kong narinig bago mawindang ang utak ko at malunod ako sa pool.

End of flashback ¬

Bigla na lang akong napamura. "Nilunod mo 'ko, Jimin!" Ibig sabihin hindi 'yon panaginip? Gusto rin ako ni Jimin? For real?

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon