Chapter 4 : Smeraldo

72 8 0
                                    

Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Dongmin kay Esmeralda kahit hindi niya pa ito lubos na kilala. Kahit nababahala siya na baka hindi siya nito magustuhan dahil sa itsura niya.

Nagpatuloy ang pagpitas ni Esmeralda sa hardin ni Dongmin na siya namang hinahayaan lang ng batang hari.

Gusto niyang tulungan ang babae. Kaya naman ay gumawa siya ng bulaklak na hindi pa umiiral sa mundo, dahil alam niyang kapag binenta ng dalaga ang mga ito ay malaki ang kikitain niya.

Ginawa niya ito nang may buong sikap at may pagkadeterminado. Ilang araw niya itong ginawa.

Panahon ng taglamig nang matapos ito at agad niyang nilagay sa hardin niya, sa lugar kung saan nakatanim ang mga rosas at lavender na paboritong pitasin ng dalaga. Pinangalanan niyang 'Smeraldo' ang ginawang bulaklak, alinsunod sa pangalan ng dalaga, na may kahulugang 'the truth that can not be said.'

Hinintay ng batang hari ang dalaga na dumating sa kaniyang hardin. Ilang oras siyang naghintay ngunit walang dalagang dumating. Napagdesisyunan niyang bumalik sa loob ng palasyo upang magpahinga. Siguro ay darating din ang babae at kukunin ang mga bulaklak na esmeraldo.

+++

Halos tatlong araw nang hindi dumarating si Esmeralda sa kaniyang hardin. Nag-aalala ang hari kung anong nangyari sa dalaga at hindi ito nakapunta.

Nang gabi ay pinuntahan ng hari ang lugar nina Esmeralda, dala-dala ang mga bulaklak. Napag-isipan niyang gusto niyang iabot ito nang personal sa dalaga kahit pa'y natatakot siya sa maaaring reaksyon nito.

Nang makarating siya sa tapat ng bahay ay nabigla siya sa nakita. Bumungad sa kaniya ang burol ng dalaga. W-wait, she's gone?

Nakita siya ng tatay ng dalaga at nilapitan ito. "Min, wala na ang anak ko, halos dalawang araw na siyang nakaburol."

Takang-taka siya. Nitong nakaraan lang ay maayos ang dalaga. Kaya pala'y walang Esmeralda na dumating sa hardin niya.

"Pasensya na." Naguguluhan ang isip niya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Maaari ko bang malaman kung bakit at paano?"

"Maghapon siyang nasa daan habang nagbebenta ng bulaklak at hindi tumitigil hangga't hindi nauubos ang dala niyang mga bulaklak. Natagpuan na lamang namin siya sa bakanteng lote na naninigas na sa ginaw hanggang sa binawian na siya ng buhay." kalmadong sabi ng lalaki, "Napag-alaman ko rin na sa isang kaharian niya kinukuha ang mga bulaklak na 'yon."

Bigla niyang naalala ang mga bulaklak niyang dala, "Uh, doon ako nakatira sa kahariang 'yon." anunsyo niya na ikinagulat ng lalaki, "Ginawa ko ang mga bulaklak na ito para kung sakaling kunin ni Esmeralda ay malaki ang kikitain niyang pera mula rito." Pinakita niya ang mga bulaklak.

"T-teka, doon ka nakatira sa kahariang 'yon?" tanong ng lalaki,

Tumango naman si Dongmin, "Ako rin ang may-ari ng hardin na pinagkukuhaan niya ng mga bulaklak. Pero ayos lang dahil may maganda naman siyang dahilan. Kunin ninyo ang mga bulaklak na ito at ibenta." Iniabot ng batang hari ang mga bulaklak sa lalaki at agad naman niya itong tinanggap.

"M-maraming salamat, Min." Hindi napigilan ng lalaki na yakapin si Dongmin dahil sa sobrang kagalakan at pasasalamat.

"Walang anuman."

I'm very sorry I wasn't able to tell you what I'm feeling about you, I was a coward. But I still want you. In our next lives, I'll find you and give you the world.
-

A/N

hello, everyone! the first part has come to its end. so, how was it? nawa'y napaiyak ko kayo HAHA charot.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon