Chapter 50 : "Deja vú!"

62 5 9
                                    

Taehyung's Point of View.

"Okay, last one." The photographer clicks the shutter button. "And that's it. Thank you, Taehyung-ssi."

Nag-bow ako at ngumiti nang bahagya. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa sofa at tinignan ang oras. It's past 3:00 PM already.

Oh, at nag-text si Jimin.

Jiminnie 💖:

babyyy! ilang minuto na lang matatapos na shift ko, san mo gustong pumunta ngayon?

oh, and i heard bumalik ka na sa modelling. that's good. nandyan ka ba ngayon sa building?

Hindi ko mapigilang ngumiti nang malapad. Kinikilig na naman ako.

Me:

yes, nandito ako sa building at katatapos ko lang mag-shoot

kahit saan na lang tayo magpunta, you decide

Jiminnie 💖:

oh, may ni-recommend saken si Teresa na pwedeng puntahan for date, art museum sa Manila. okay lang ba sayo?

Me:

sureee, gusto kong makapunta sa isang art museum, baka makita natin dun yung Starry Night ni Van Gogh HAHAHAHA

Jiminnie 💖:

HAHAHAHA sigeeee,, hintayin mo na lang ako, alas kwatro pa ang tapos ko hehe :D

Me:

okaaay <3

Is this a spontaneous date? I giggled at the thought.

Kinuha ko ang maliit na bag na dala ko at ibinalik dito ang cellphone. Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng studio. Sa labas na lang ng building ako maghihintay.

+++

Kasalukuyang nasa bus kami ni Jimin papuntang Manila. Nasa window seat ako at nasa aisle seat naman siya.

"Jimin," Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. "Dala ko 'yung diary ni Emilia."

Halata namang nagulat siya, "Bakit dala mo?"

"Nakita ko ulit eh, so I decided to bring it with me." I grin. "Let's read."

Tumango siya at binuklat ko naman ang diary sa pahinang may bookmark at nagbuklat pa ulit ng isa.

Abril 20, 1917

Kaarawan ngayon ni Antonio at inimbita niya kami (ako, Adrian at Teresa) sa bahay nila para sa isang maliit na salo-salo at selebrasyon. Masasarap ang mga pagkain na inihanda nila, busog na busog kami.

Umuwi kami ni Adrian nang gabi na pero si Teresa ay nanatili muna roon sa bahay nila. Nagpunta kami ni Adrian sa parke para pag-usapan ang mga walang kwentang bagay.

- Emily.

"Can we skip, Taehyung?" biglang sabi ni Jimin na halatang naiinip.

"Impatient. Pero, okay." Nagbuklat ako ng maraming pages.

Nasa Setyembre na kami. Nag-skip kami ng 5 months.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon