Chapter 58 : Taken?

53 2 10
                                    

A/N: skip to monday :))
-

Taehyung's Point of View.

"Kuya," Papasok pa lang ako sa CR pero napalingon ako kay Yeri nang tawagin niya ako, "may photoshoot ka ngayon?"

Tumango ako, "Bakit?"

"Sabay ako sa 'yo, hatid mo 'ko sa school. Hindi ako masusundo ni Kookie." nag-pout siya.

"Kawawa ka naman," tumawa ako. "Sige, sige. Magbihis ka na para pagkatapos ko, aalis na tayo."

"Yey! Thank you."

Pumasok na ako sa loob ng CR para maligo.

Inorasan ko ang pagligo ko at halos 10 minutes akong tumagal sa loob. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya.

Nakita ko si Yeri na naka-school uniform na nga at nagme-makeup sa harap ng salamin.

Umakyat ako sa kwarto ko para isabit sa likod ng pinto ang tuwalya ko saka bumaba sa sala. Kumuha ako ng isang white beret mula sa collection ko ng hair accesories, na nakalagay lang malapit sa salaminan, para mag-match sa outfit ko ngayon.

Simple lang ang suot ko ngayon. Naka-rubber shoes ako na color black, blue jeans at plain white sweatshirt. Nagsuklay muna ako ng buhok bago isuot sa ulo ko ang beret.

Kinuha ko ang cellphone, wallet at earphones ko (I also have airpods but I don't wanna use them) saka ito nilagay sa shoulder bag ko.

"Tara na?" tanong ko kay Yeri at tumango naman siya saka kinuha ang handbag niya.

"Ma, Pa, aalis na po kami." paalam ko sa parents ko na nakaupo lang sa sofa.

"Ingat kayo!" sabi naman ni Papa at kumaway lang si Mama.

Kumaway na rin kami ni Yeri saka lumabas na ng bahay.

"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya at tinignan naman niya ang oras sa relo niya.

"10:32 AM." Tumango lang ako. Medyo late na ako pero wala akong pake.

+++

"Ingat ka, ha. Masusundo ka ba ni Jungkook mamaya?" Nasa tapat na kami sa school niya.

"Hindi ko alam, may work na kasi siya eh. Hindi na raw siya magpa-part-time sa karinderya ni Kuya Seokjin, pero depende pa rin daw." Tumango lang ako.

"Mamasahe ka na lang." tumawa ako. "Baka hindi kita masundo kasi mas mauuna ako sa 'yo."

Ngumuso siya saglit at tumango, "Okay. Ingat ka rin. Bye, Kuya!" kumaway siya.

Kumaway rin siya pabalik, "Bye!"

Nag-tricycle ako ulit papunta do'n sa building.

Jimin's Point of View.

"Good morning... or afternoon?" tumawa pa ako. Alas onse na kasi ako pumasok. "Sorry I'm late." I flashed an embarrased smile.

"Okay lang. By the way, who's this?" tinuro ni Therese si Aria na kasama ko ngayon.

"Ah, this is my... uhm, soon-to-be stepsister?" hindi siguradong sagot ko. "She's Aria." Tapos lumingon ako kay Aria. "This is Teresa, the daughter of the owner of this coffee shop." tinuro ko si Therese.

THE LOVE THAT CONTINUES. ¦ VMinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon