Chapter 2

150 11 0
                                    

"Lee State University"


Ang araw na hindi ko inaakala dahil nag-offer sa akin si Ma'am Lee na mag-aral sa isang exclusive school for rich and famous students.

"Wala po akong pambayad dun. Salamat nalang po."

"Don't worry about your tuiton, expenses, and your allowance."

"Hindi ho salamat nalang po sa alok niyo. Maganda naman po sa school ko ngayon." Nginitian ko nalang siya ng pilit.

"Huwag kang mag-alala di naman magagalit ang nanay mo at isa pa diba pumayag naman siya kaya wala ka na dapat ikabahala."

"Pero..."

Usapang pera yun at kahit gustong-gusto ko talaga ay masyado na akong abuso at isa pa baka sabihan na naman ako ng kung anu-ano ng anak niya.

"Sige ka, baka maniwala akong tama ang hinala ni Ahze sayo... at isa pa hindi ko nakita sa mismong video ang tunay na dahilan kung bakit ka nagagalit sa..."

"Sige po mag-tatransfer na po ako sa school na sinasabi niyo." Ang bilis mo namang magdecide! Ako'y hanga sa iyo, Inn!

"So you agree na diba pero may one condition lang ako."

"Ano ho yon?" Agad na nagkunot ang noo ko dahil may kondisyon pa pala.

"Be a personal secretary of Ahze."


"Po?! Bakit naman po ako?" Kaya pala.


"Kung nagsasabi ka talaga ng totoo na hindi ka modus girl ay papayag ka sa agreement natin at ito ang kapalit para magkapag-aral ka sa Lee State University."

Lee State University? Wow! Yung university na sinasabi ni Lexi.


"Alam na po ba nito ng anak niyo?" Tanong ko.

"Oo naman, Inn actually yun ang condition din namin ni Ahze na maging secretary ka niya... kaso bigla na lang siyang sumigaw."


Yun pala ang dahilan ng sigawan nila kanina at nauwi sa usapang credit card.


"Sige po kaso aayusin ko po muna yung mga forms sa school ko po."


"Don't worry na rin, Inn I already process all the papers  at buti maganda naman ang mga records mo kaya madali kong naayos at di ako nagkamaling ikaw ang naisipan kong gawing personal secretary ni Ahze."


Ano yun matagal ng planado ang lahat?!

Gusto ko ng umayaw kaso ang pangit naman kung babawiin ko pa ang pasya ko kay Ma'am Lee. Kase hindi naman sa nang-aabuso ako ng kabaitan niya kaso nakakahiya naman talaga kase.

Kinabukasan hindi na ako nag-aantay ng jeep na pabyahe sa Sampaloc kundi tricycle ang inaantay ko papunta sa bago kong school. Kompleto na rin ako ng gamit puro bago lahat at halatang branded dahil di ko alam kung anong mga tatak ng notebooks pero dinala ko parin ang mga dati kong notebooks dahil kahit nasa public naman ako ay malapit naman ata sa mga lessons sa private. Naka-civilian attire muna ako dahil hindi pa ako nasusukatan ng uniform. Basta raw papasukin agad ako ng gwardya.

Paghinto ng tricycle sa isang gate. Talagang gate palang aakalain mo talagang para lang sa mga mayayaman.

Inn fighting kayang-kaya mong makapag-adjust para sa pangarap.


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon