Chapter 35

46 5 0
                                    


Acceptance

Grabe. Para akong isang taong nakagawa ng malaking kasalanan sa mundo. Bawat galaw at pandama ko ay laging nakaalerto. Kahit ang mga taong nakapaligid sa akin ay nilalayuan ko nalang kung hindi katiwa-tiwala. Hindi naman sa wala akong tiwala na sa iba kundi para na rin sa pag iingat. Hinihintay ko ang pagkakataong makita ko ang mukha ko sa isang poste ng kuryente o kaya sa kung saang bangketa at syempre hindi mawawala ang pabuya.

Mabuti nalang ay nandito si Christan para tulungan ako.

"Talagang dinala mo lahat, 'no?"

Sa totoo lang ay parang NPA ako. Mukha akong most wanted na sindikato dahil bago pa ako makita ay mabilis agad akong nakakapagtago at pumupunta sa mga lugar na sa tingin ko'y mahihirapan nila akong matunton. Nakakapagtaka'y kahit minsan ay may nakasalubong akong pulis sa daan o kaya mga awtoridad ay hindi man lang nila ako nilalapitan at kakausapin. Siguro'y gan'on talaga sila kapursigidong makita ako.

"Naman! Kung sakaling pumunta na sila sa hacienda niyo para hagilapin ako ay wala silang magiging ebidensyang tumira ako dun at para na rin hindi na kayo madamay sa kung ano man ang tinatakasan ko."

Ayaw ko namang pati sila Christan ay madamay sa kung ano man ang problema ko. Nag magandang loob na nga silang patuluyin ako sa kanila tapos dadagdag pa ako sa problema nila.

Tagaktak na ako ng pawis dahil sa paghahanap ng pansamantalang matutuluyan. Nasa bus palang ako ay iniisip ko na kung saan ba ako manunuluyan o kaya kung  saan ako abutin ng gabi ay doon na ako matutulog. Galing Bataan ay bumyahe ako pabalik sa Maynila. Tinalo ko na ata si Dora sa kakapunta sa kung saan saan. Literal ko ng naririnig ang pagkulo ng t'yan ko. Kaya napagdesisyon kong kumain muna sa isang fast food. Parang guminhawa ang pakiramdam ko nang makaupo ako sa bandang dulo katabi ng malapad na salamin kung saan ay nagtataasang mga building at establisyemento. Tanaw rin ang mga billboard ng mga sikat na artista.

Halos mapapikit ako sa unang kagat ko sa manok. Parang dinala ako sa langit sa sobrang kasiyahan. Habang kumakain ako ay may narinig ako sa dulong parte na naghihiyawan. Sa tingin ko'y mga high school students din sila. Nung una'y hindi ko na sila inintindi kahit sobrang iingay nila pero kilaunan ay nilingon ko sila dala ang tray para lumipat sa mas malayo sa kanila.

"What the—"

Inis naman akong bumaling sa nakabunggo sa akin. Ang tanga naman kaseng salubungin ako. Pero huli ko na ng naproseso sa utak ko ang boses na 'yun.

"Inn?!" Parehas kaming gulat at tinuro ang isa't-isa. Sa dinami dami ng lugar bakit dito pa sa lugar na ito?

"Christan, nakahanap ka na ba ng table? Oh Inn?! Long time no see." Parehas naman kami ni Christan bumaling sa lalaking katabi na niya.

"Don't worry ako na ang mag pa process ng letter mo sa trabaho mo. Kilala ko naman ang management nila at maiintindihan naman nila agad yun." Tipid niya akong nginitian at umupo sa katapat kong upuan.

"Salamat Christan, ha? Kung hindi niyo ako nakita sa Mcdo hindi ko na alam kung saan ako pupulutin."

"Inn, bakit ka naman kase nagtatago? Dati kasama mo lang sila tapos ngayon ayaw na ayaw mo silang makita."

"Basta hindi ko kayang magpakita sa kanila. Masyadong magulo na ang utak ko at kailangan kong mahanap ang puntod ni Eomma." Umiwas ako ng tingin at bumaling nalang ako sa paligid.

Hindi ko aakaling makakarating ako dito sa Cotobato. Masyadong tahimik ang lugar kumpara sa Davao, ang lugar na kung saan ang hacienda ng mga Jimenez. Ni hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Karamihan ay puro mga muslim ang nakikita ko at kaninang nagbabyahe kami ay puro iba't-ibang kulay ng mga mosque ang nasa paligid. Para bang nasa lugar ka kung saan nabubuhay ang isang disney movie.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon