Chapter 21

60 5 0
                                    


Issue

"Bro, seriously!"

"Paanong dito siya nakatira?"

"Ahze, bakit naman sa hinaba-haba ng panahon bakit di mo sinabing dito pala nakatira si Inn?!"

"Grabe!"

Bakit ba di ko naisip na ngayon pala kami gagawa ng report! Pero bakit pati silang tatlo ay nandito? At ang masaklap pa ay pare-pareho naming hindi inaasahang magkikita kita kami dito mismo sa bahay ni Raine!

Ngayon ay halo-halo ang nasa isip ko. Dahil alam na nilang dito talaga ako nakatira. Panay ang pagkagat ko ng labi habang hinahanda ko ang kakainin nila sa island counter. Sino ba naman kaseng hindi mababahala na malaman ang pinag-iingatang sikreto.


Panay ang pagbuga ko ng hininga habang nag-iisip ng mga pwede nilang tanungin sakin. Ano ng gagawin ko ngayon?

Relax, Inn.

Kanina'y napakaingay nila ng wala pa ako pero ngayon ay tikom na tikom sila at parang naghahanap ng tiyempong magsalita ulit at sa palagay ko'y iibahin nila ang pinag-uusapan.

Nilapag ko ang tray na pinaglalagyan ng chocolate cake, cookies, at rocky road ice cream.

Tumikhim pa ako para makuha ko ang atensyon nilang tumingin sa akin.

"Tubig, juice or coffee?" Sinikap kong maging kaswal para mawala ang awkwardness sa pagitan namin.

"Cof—" Napatingin agad ako kay Marco na magsasabi sana ng gusto ngunit agad tinakpan ni Christan ang bibig niya.

"Anong gusto niyo?" Tanong ko ulit.

Nalipat naman ang tingin ko kay Riku na seryosong tinitignan ang mga dinala kong pagkain. Muntik pa akong napatalon ng may humawak sa braso ko kundi ko pa nilingon kung sino iyon.

Nakatayo siya sa gilid ko at parang nanggaling siya sa kwarto dahil nagpalit siya ng pantaas.

"Umupo ka muna." Malambing niyang sabi sakin saka tinanggal ang pagkakapit sa braso ko. Umupo ako sa solong sofa at pinatong sa hita ko ang maliit na unan.

Sa kaliwang bahagi ko ay isang mahabang sofa na kung saan nakaupo sina Brixz, Christan at Marco. Sa right side naman ay mas malapit sakin si Riku na nakatingin parin sa mga pagkain at si Raine na katapat lang si Marco.

Kung iisipin ko'y parang nasa seryosong board meeting kami at ako ang chairman na sasang-ayon o magkokomento at magtatanong sa kanila. Pero sa ngayong nangyayari ay parang nasa pagitan kami ng hahatulan at ako ang may sala at sila ang mga biktima.

Salamat kay Marco na muling nag-ingay.

"Ah Ahze kase sabi nila sa iisang lugar nalang daw tayo gumawa para after daw nito ay maggagala tayo."

"Tss." Asik naman ni Raine na masama ang tingin kay Marco.

Si Marco naman ay ngumuso nalang at pa simpleng kukuha ng cookies.

"Don't get one, Kinowa." Babala ni Raine.

Nagulat naman ako ng napabaling sakin si Marco na nakanguso.

"Inn, pwede ba akong kumuha?"

"Ah...." Bumaling naman ako kay Raine na seryosong nakatitig sakin.

"Sige kuha ka lang at isa pa para naman sa inyo iyan."

Magsasalita sana si Raine ng naunahan na siya Riku. Nakatitig siya sakin na parang sobrang misteryoso ang sasabihin niya.

"Inn, why do you live here?" Dahil doon ay napatingin silang lahat sakin maliban kay Raine na nakatingin na sa kawalan.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon