Chapter 25

49 5 0
                                    

Saranghae

Nakakunot agad ang noo ko ng napadpad palang ako sa hallway. Kung dati ay binabangga bangga pa nila ako sa balikat at walang pakielam kung nakatama sila o nakasakit. Ngayon ay pinagtitinginan nila ako at todo iwas kung napapadaan na ko.

Ano kayang mga problema nila? Bakit parang bumait ata sila ngayon? Bakit hindi pa dati?

Napanguso nalang akong nag-iisip habang patungo sa locker's area. Kahit pagdaan ko'y parang pinag-aaralan nila ang mga imposible kong gawin sa kanila. Lalo na yung mga nagtataray sakin at mga nagpaparinig na mga fans ng IM5. Pag tinitignan ko naman sila ay agad namang nagpapanggap na may pinag-uusapan.

Pagbukas ko ng locker ay bumulaga sakin ang bugkos ng mga pulang mga rosas na may kasama pang litrato. Sa una'y di ko makita ang larawan dahil madilim ang loob ng locker pero kinuha ko yun kasabay ng bugkos ng mga pulang rosas.

AKO 'TO HA!

Maganda ang pagkakakuha ng aking anggulo. Side view ito. Kung saan ay nakangiti kong pinagmamasdan ang mga sunflower sa lugar. Pero naka focus lang ito sa akin at sa isang sunflower ang background ay ang matingkad na asul at sa baba ay ang mga iba pang sunflowers.

Kailan niya ito kinuhanan?

Imbis na mairita ako dahil panay siya picture sakin ay tumigil siya pero di ko alam kung bakit nakapuslit siya nito. Pero infairness ang ganda. Nadadagdagan na naman ang mga nagugustuhan ko sa kanya.

Kinuha ko lang ang picture ko at iniwan ang bouquet sa locker. Nang sinara ko na ay kanya kanya sila ng iwas ng tingin sa akin. Binalewala ko nalang sila at nagsimula na kong tumahak sa room. Nakangiti kong pinagmamasdan ang litrato ko at ng ilalagay ko na ito sa bag ko ay napansin kong may nakasulat sa likod.


MY JAGIYA, SARANGHAE
Jhazilyn Inn Jung

Issued date: 10/24/2...

May kasama pang pangalan niya na nakakorean letters at signature niya sa itaas na may kasamang puso pa na na nakakonekta gamit ang mahabang guhit sa pangalan ko sa baba ng message niya.

Nakangisi ko iyong nilagay sa unahan ng bag ko. Paano niya kaya nagagawa ang mga ka sweetan na 'to. Naiimagine ko palang ang mukha ni Raine na magkasalubong ang kilay at nakangusong naggagawa nito ay tuwang tuwa na ko.

Pag-akyat ko sa hagdan ay ganon ding eksena ang nakikita ko. Hanggang sa nakasalubong ko si Rayn na may bitbit na kumpol ng mga papel.

"Oh, sawasdeekhrap" Nginitian niya ako dahil hindi niya magagawa ang tradisyunal na pambati sa Thailand.

Medyo naninibago ako ng binati niya ako ng thai. Hindi naman sa natatawa ako pero sadyang napapangiti ka talaga.

"Sawasdeekha!" At ako nalang ang bumati sa kanya ng tradisyunal. Nagtawanan lang kami hanggang sa sinabi niyang nagmamadali siya dahil hinahanap na siya sa faculty.

"Inn, hurry! Come here!" Dahil sa pagiging aligaga ni Coleen ay hinila niya na ko paupo. Siya naman ay umupo sa upuan ni Raine. Siguro nasa parking lot pa yun.

Agad naman niyang tinapat sa akin ang mamahalin niyang cellphone at pinindot niya ang icon na may pagka-pink at halong violet na hugis camera.

Nanlaki agad ang mata ko sa aking nakita.

"Inn, grabe ang sweet niyo, sana kami rin ni Kinowa gan'to!"

Picture ko iyon habang kumakain ng fries habang nakasandal sa bintana ng kotse ni Raine. Sa taas ng picture ay may nakalagay na ' Saranghae' pero naka-korean letters.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon