Chapter 27

45 5 0
                                    

Trust me

Tulala ako habang papauwi kami ni Raine. Panay lang ang tango ko kahit hindi naman pumapasok sa tainga ko ang mga sinasabi niya. Wala naman siyang dinagdag na sinabi kaya nanahimik na rin siya.

Bakit?

Napapikit nalang ako ng mata at sinandal ang ulo sa tinted na bintana. Kahit anong hinang nararamdaman ko ay walang bumabagsak na luha sa pisngi ko. Namanhid na ata ang puso ko. Sa sobrang daming sinaksak na punyal sa bawat parte ng puso ko, hindi ko na maramdaman ito. Kahit pagtibok ay binalewala ko. Lahat ng nagdaang panahon ay tila hangin na bumalik sakin.


Umayos ako ng upo para hindi mahalata ni Raine kung ano ang bumabagabag sakin. Pagpasok namin sa likod ng gate ay nagtingin tingin ako sa paligid. Tahimik at puro kulisap nalang ang naririnig. Mga ilaw sa bawat parte ng bakod ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.


Hindi ko na hinintay si Raine na bumaba. Pinihit ko agad ang pintuan at matagumpay na nabukas. Pero ng hahakbang na ko pababa ay hinigit niya ako paloob at sinandal ng maigi sa backrest. Lumapit siya sakin at nilagay ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko.



"May problema ba tayo?" Agad naman akong nagbaba ng tingin at tumuon nalang sa tie niya.

"Wala naman tayong problema. Ayos lang ako. Naantok na kase ako kaya nanahimik ako."

"Tumingin ka nga sakin Jhazilyn, I know you have a problem. Please look at me." Mariin niyang sabi sakin.

"Eopsseoyo, naantok lang talaga ako."

"Tingin." Naramdaman kong dumapo ang isang kamay niya sa baba ko at tinaas niya ito. Dahan-dahan na akong tumingin sa kanya at nilabanan ang mga mata niyang punong puno ng pag-alala at pagsusumamo.

"Tari ka na sa loob naantok na talaga ako." Totoong gusto ko ng magpahinga. Matulog at kung pwede makalimutan ang araw na ito.

"Okay." Umatras siya at tumuwid ulit ng upo sa driver seat. Ngumiti siya ng mapait at hinayaan na niya akong bumababa. Sumunod naman siya sakin at tahimik kaming pumasok sa bahay.

Humiga agad ako at doon ko ulit pinagtugma tugma ang mga sinabi ni Rayn. Napasapo nalang ng mukha at napapikit.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata. Sa sobrang dami kong inisip kagabi nakalimutan ko palang magpalit ng uniform. Tatayo na sana ako at magbabago ng posisyon pero laking gulat kong nasa harap ko si Raine na bagong ligo at naka-PE uniform. Nakaupo siya sa isang monoblock at de-kwatro habang nakahalukipkip. Nakanguso siya at bumaling sa kanyang relo.

"Malapit nang mag 8 tumayo ka na dyan at maligo."

"Paano ka nakapasok dito?" Nakakahiya ang mukha ko ngayon panigurado tapos nakalimutan ko pang magpalit ng damit. Binaba ko ang tingin sa aking damit at mabilis kong binaba ang paldang konti nalang ay matatanaw na ang cycling ko. Kulay pink pa naman yun. Kahiya!

"Kanina pa ako katok ng katok kaya pinihit ko ang door knob at saktong hindi pala naka-lock kaya pumasok ako dito.

"Maliligo na ko kaya lumabas ka na, pakisara pati hane?"

"Sure." Ngingisi pa ang loko at dahan dahang tumayo. Tumayo na rin ako at tinalikuran ko siya. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pinto at dire-diretsong pumanhik sa cr.

"Inn, sa next friday na ang ball. Excited na 'ko!" Kakapasok ko palang ay yun na agad ang bungad niya. Siyempre gusto niyang makasayaw si Marco. Kahit siya pa raw ang mag first move ay ayos lang para naman daw sa matagal na niyang pangarap. Anong nangyare sa sinabi niya nung nakaraang buwan?

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon