Chapter 19

65 4 0
                                    


Ulan

"Inn!" Akma ko na sanang bubuksan ang glass door ng room ng narinig ko pangalan ko hindi sa kalayuan. Nakangiti siya habang nakatayo sa tapat ng first step ng hagdan patungong 3rd floor. Dali-dali siyang lumapit sakin bitbit ang bag sa kaliwang balikat. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa bag bilang suporta at ang isa ay nakapamulsa sa side ng slack niya.


"Oh bakit?"


"Ah pwede ka ba mamaya?"


"Mamaya?" Tumuwid ako ng tayo sa tapat niya at tinignan ko siyang mabuti.

"Ah. Mamayang uwian sana kung pwede ka?"

"Ah. Tingnan ko lang kung pwede ako mamaya... Ah kita nalang tayo mamayang breaktime."

"Ganon ba? Sana pwede ka."

"Bakit ano ba yun?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko ngayon, walang iba kung di si Rayn.

"Papatulong sana ako na maggawa ng scrapbook."

"May materials ka na ba?" Ano kayang srapbook ang gagawin nito?

"Hindi ko kase alam kung ano ang bibilhin ko kaya kung pwede sana rin ano kase." Napakamot siya sa batok niya ng bahagyang ngumisi pa na parang nahihiya pang magsabi.

"Sige na nga kawawa ka naman tutulungan na kita at sasamahan na rin mamili mamamaya para may maipasa ka."

Agad namang nanlaki ang mata niya at napasinghap nalang ako ng kurutin niya ang magkabilang pisngi ko.


"Sure na yan ha Inn? Sasamahan mo ko mamaya, hihintayin kita dito sa tapat ng room niyo mamayang uwian."

"Pwede ba bitawan mo na ang pisngi ko ang sakit kaya."

"Wait lang nakyukyutan pa ako sayo 'e"

"Dali na!" Kahit anong gawin kong piglas sa kamay niyang nanggigil sa pisngi ko ay hindi ko matanggal tanggal.

"Ano ba! Masakit kase Rayn bitawan mo na papasok na 'ko sa loob."


"Wait lang papasalamat pa ako sayo, one two."

"Yah! Bitaw na kase kundi sisipain kita." Banta ko pa sa kanya.

"Three! Khob khun khrap!" Mabilis niyang binitawan ang pisngi ko at tumakbo papuntang 3rd floor.



"Paboya! Mamaya ka sakin!" Sapo-sapo ko ang dalawang pisngi ko ng pumasok ako loob ng room. Napansin kong nakatingin sila sakin lahat pero di ko na sila binigyan ng atensyon at umupo ako sa pwesto ko ng tahimik.


"Humanda talaga sakin yun mamaya." Bulong ko. Pero grabe talaga ang sakit parang namanhid na kumikirot ang pisngi ko hanggang sa panga.


"Hi, Inn!" Tumuwid ako ng upo ng narinig ko ang pangalan ko sa kaklase kong ubod ng ganda, walang iba kundi si Zephanie.

"Oh?" Himala ata, anong nakain kaya nito? Kasama pa niya ang baklitang alipores niya at ang dalawang babaeng puro rebonded.

Lumapit sila sakin at pinalibutan ako.


"Inn, paano mo naging close si Zeann?" Ang baklitang si Kristal.


"Zeann?" Teka parang narinig ko na yun kay Ahze e. Wait. Prinoseso ko agad ang pangalan na iyon sa aking utak.

"Ano ka ba gurl kinirot kurot pa nga ang cheeks mo tapos di mo pa kilala si Zeann!"

Sino ba kaseng Zeann? Zeann? Zeann?


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon