Chapter 46

49 3 0
                                    

Best Part

Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay hindi mo mararamdaman ang pagod kung ang mga nasa paligid mo ay nakangiti sayo.

Pagkatapos nang mahaba kong pagsasalita sa auditorium ay sunod kaming tumungo sa elementary building.
Awtomatikong mapapangiti ka nalang talaga sa mga hiyawan ng mga bata at may dala pang maliliit na flag ng Thailand.

"Princess, can I have your signature?" Isang batang babaeng may bangs at mamulang-mulang pisngi.

"Okay, saan ba ako pipirma?"

"Wow, you can speak Filipino, Princess?"

"Of course, baby." Agad naman akong pumirma sa notebook niyang punong-puno ng mga stickers ni Hello Kitty. Rinig ko ang paghanga ng mga teachers at ilang mga estudyante.

"Thank you po."

"You're always welcome basta mag study ng mabuti ha?" Nakailang tango-tango siya at nginitian ako. Kahit nung pagtayo ko ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

Madaming bata pa ang tumawag sa akin kaya ang ginawa namin ay nag room to room kami. Tinuruan ko sila ng ilang mga Thai words. Pinaliwanag ko rin sa kanila ang mga bahagi ng tiyarang suot ko. Halos mangalay ang kamay ko kakapirma sa mga papel nila. Pero kung mga ngiti lang nila ang kapalit, napakasulit nun.

Ngayon naman ay sa high school building na kami. Namangha pa rin sila sa pagpapakilala ko sa wikang Filipino. Ang iba'y nagsasabing pamilyar sila sa akin at tila pinipigilan lang ang sariling sabihin iyon. May mga nagpapicture at nagpapirma din. Tinuruan ko din sila ng ilang mga Thai words at ilang kaugalian. Maraming nagsabing pupunta sila sa Thailand. Ininterview rin ako ng school publishing ng high school. Sinagot ko naman iyon ng kompleto at nagpapicture na rin sila sa akin. Excited na rin daw silang i-publish iyon.

"Inn, happy birthday." Bati ni Reagan.

Nagpahinga kami saglit sa office. Kasama namin si President Lee, Director Lee at ang Chairman. Manghang-mangha pa rin sila sa akin mas lalo na si Chairman Min Lee na kanina pa humihingi ng pasensya.

"Okay lang po Chairman. Hindi rin niyo din po kase alam kaya h'wag na po kayong humingi ng pasensya sa pagkuha sa akin bilang helper ng mga apo niyo po."

"Kung alam ko lang talaga... pasensya na talaga. May katanungan lang ako sayo."

Nagkatinginan kami nina Rangel, Reagan, ang dalawa kong kapatid at si Tita Sathida maging sina President Annie Lee at Director Raynard Lee.

"Sige lang po, magtanong kayo."

"Bakit ka pa nagtatrabaho sa fast food chain at nagtatrabaho sa akin kung prinsesa ka pala ng Thailand?"

"May isang mahalagang bagay po kase kaming kailangang gawin kaya naisipan ko pong magtrabaho. Tinanggap ko rin po ng buong puso ang alok niyo bilang helper ng mga apo niyo po. Iyon naman po ay sarili ko ding desisyon na pinaalam ko na rin po sa palasyo. Kaya h'wag na po kayong mag-alala."

"Pasensya na sa mga apo ko, naging pasakit pa ng ulo mo."

"Naku, mababait naman po ang mga apo niyo. Nakilala ko na rin po ang apo niyo po sa tuhod na minsang pinasuyo ni Skyl po sa akin."

"Ah gan'on ba?" Ngumisi siya at tila naalala ang apo. "Matagal tagal ko na ring hindi nakikita ang apo kong 'yon. Di bale, sanay paunlakan niyo ang imbitasyon ko sa aming mansyon. Kaarawan naman ito ng isa kong apo, anak ni President at Director Lee."

Oo nga pala linggo lang ang pagitan ng mga birthday namin ni Raine!

"Ang kaedaran ba ni Inn?" Singit ni Tita Sathida.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon