Chapter 47

55 2 0
                                    

Following

Madaling araw na ako hinatid ni Raine pauwi. Talagang pinanindigan niyang hindi ako uuwi ng maaga. Kinabukasan, maaga ulit akong nagising dahil sa paghahanda ko sa araw na ito. Ang sandakmak na mga interviews mula sa iba't-ibang organization at sa mga media.

"Khob khun ka." Muli akong ngumiti sa kanila at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Ramdam ko na talaga ngayon ang matinding pagod. Halos wala na akong oras para tingnan ang cellphone ko. Ramdam ko na din ang pamamantal ng paa ko. Nakaramdam nalang ako ng ginhawa ng nakaupo ako sabay tanggal ng stilleto.

"Rangel, kailan ang punta natin sa palasyo?"

"Sa next week." Nalipat ang tingin niya sa paa ko. "Does it hurt?" Nagkunot ang noo niya at lumuhod sa harap ko. Mas guminhawa ang pakiramdam ko ng simulan niyang hilutin ang paa ko.

Pagkaalis kase namin ng umaga dumiretso agad kami sa isang organization at pagkatapos agad ay tumungo agad kami sa iba pa. Nakaupo naman ako pero wala pa atang sampung minuto dahil puro lakad ako para lapitan ang iba upang bumati. Kaming dalawa lang ni Rangel ang dumalo sa lahat. Hindi na namin isinama sina Reagan at P'Wanin dahil sa iba naman silang mga okasyon. Si Sawirin naman ay lumipad agad patungong Thailand dahil may naiwan pa siyang mga gawain sa palasyo.

"Masakit pa ba?" Nag-angat siya ng ulo at binigyan niya ako ng malamlam na tingin.

"Kaunti nalang. Kailangan ko lang ito ipahinga saglit."


Umangat na siya at umupo sa tabi ko. Hinubad niya ang puting sash na simbolo ng kanyang pwesto at hinubad din ang coat niya na puno ng iba't-ibang kulay ng pin na sumisimbolo sa pagiging prinsipe niya.

"Papatawag lang ako ng pagkain natin."

Tipid ko siyang nginitian. "Sige."


Pinagmasdan ko ang pagtayo niya at paglabas ng pinto. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa white purse ko at tinignan ko agad ang mga messages at missed calls. Ngumiwi agad ako ng makita ko ang halos mag-iisang daang personal messages ni Raine at 50 missed calls. Akmang titipain ko palang ang pangalan niya ng lumitaw ang pangalan niya at nagsi-signal ng call record.


"Babe, I know you're very tired now. Kumain ka and take a rest. Call me when you get home. I love you always."

Napaupo tuloy ako ng maayos at ni-dial ko na agad ang number niya.

"Raine."


["Babe!, mabuti napatawag ka na! Kumain ka na ba? Gusto mo puntahan kita? Nasaan ka ba?"], himig ko sa boses niya ang pagkasabik.

"Kakatapos lang namin. Nasa hotel kami dito sa Bakasyunan. Kakain palang kami ni Rangel."

["...nandito na pala kayo sa Tanay?"]

"Oo, kase ang huling conference ay dito na. Ikaw, Raine? Kumain ka na ba?" Napansin ko kaseng nanahimik siya sa pagtatanong.

["Hmmm, ikaw ang inaalala ko dahil alam kong napakarami mong ginagawa ngayon."]


Agad naman akong nataranta ng nahimigan ko ang pagpihit ng doorknob sa pinto.

"Ah... Raine, dumating na kase si Rangel, sige mamaya na ulit. Tatawagan ulit kita."

[...gan'on ba? Oh sige babe. Kumain ka ng marami ha. Mag send ka pati ng mga picture sa akin.]

Ngumiti ako. "Sige, ibaba ko na ito."

["I love you."]


"I love you too." Binaba ko na agad ang linya at maging ang cellphone ko dahil bumukas na ang pinto.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon