Chapter 16

70 7 0
                                    


What


"Inn!" Napatingin kaming tatlo sa pinto at nakita ko si Rayn na naka-smile direkta sa akin at unti-unting nagiging normal. Parang naging dismayado ang mukha niya pero pinipilit pa rin niyang maging masaya.

Tumingin naman ako kay Riku at nakatingin na rin siya sakin.

"Siya ba yung pagbibigyan mo ng pinaltok?" At sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Oo siya yun, Riku." Nginitian ko siya ng mabilis. Kinuha ko yung garapon sa bag ko at tumayo na ako.

"Next time nalang Riku. Promise dadalhan talaga kita ng marami."

"Sige, aasahan ko yan, puntahan mo na yun oh nag-aantay eh." Sabay tingin niya sa pinto na kung saan nakasandal si Rayn sa railings at nakadungaw sa akin.

"Ay sige baka magalit na naman yun." Lalakad na sana ako ng napansin kong nakatingin parin siya kay Rayn at sobrang dilim ng mukha niya.

Ano ba kaseng problema niya kay Rayn?

Natauhan nalang ako ng tawagin ako ulit ni Rayn na nasa pinto na pala.


"Oo eto na nga!" Sigaw ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng room ay buti walang estudyanteng pakalat-kalat dito sa tapat ng room namin mamaya issue na naman. Saktong may nakita akong upuan na mahaba bago mag hagdanan.


"Uy, doon nalang tayo." Turo ko dun sa upuan.

"Ayaw mo ba sa Cafeteria?"

"Gusto mo bang masapak ko, ang dami kayang tao dun!"

"Oo na ikaw na panalo, doon nalang tayo sa tinuturo mo." Tumingin naman siya sa dala dala kong garapon.
"Teka ano naman yan, mukhang masarap ah."

"Masarap talaga ito kaya tari ka na dun habang wala pang mga estudyanteng dumadaan."


"Oo na."


Lumapit kami sa upuan at agad din naman kaming umupo pagkatapos binuksan ko na yung garapon at pinakita ko sa kanya.

"Teka, pamilyar sakin yan." Sinusuri niya yung laman ng hawak kong garapon.

"Sticky rice cake 'to diba?" At walang pasabing kinuha yung kutsara sa kamay ko at sinimulan ng kumain.

"Pinaltok tawag diyan pwede ring ginataang bilo-bilo"

"Ang sarap naman nito, ikaw ba nagluto nito?" Sa tingin ko sayang-saya siya sa pagkain.

Wow! Wala din palang arte arte ito!

"Hindi, yung nanay ko nagluto nito." Pinagmasdan ko lang siyang kumain.

"Oh ba't ka ngumingiti diyan, ahh alam ko na crush mo na ako noh?" Ngumisi ngisi pa siya pagkatapos lunukin yung kinakain niya.

"Sira! Asa ka handsome courageous hero" At inerapan ko lang siya.

"Eh bakit ka pangiti ngiti sakin habang kumakain?" Dumukwang na naman siya.Wow ang bilis niyang kumain.

"Takaw mo kase."

"Masarap kase itong sticky rice cake na niluto ng nanay mo."

"Hindi yan rice cake, pinaltok yan."


"Parang kagaya nga rin nito yung sticky rice cake ng thailand 'e."

"Thailand? Paano mo naman nasabi?"

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon