Chapter 37

44 6 0
                                    

New Work

Isang buwan nalang din ay magpapasukan na para sa first semester ko sa Lee State University. Dapat ay graduating na ako ngayon pero dahil sa 'paglilibot' ko ay nahinto ako ng dalawang taon kaya second year college palang ako ngayon. Education agad ang kinuha ko dahil matagal ko nang pangarap maging isang guro. Kahit ang karamihan ay sinasabing mag take ako ng politics dahil syempre ako ang crown princess pero laking pasalamat ko'y pumayag ang mahal na hari sa kagustuhan ko.

"Thank you, Ma'am!" Masiglang bati ko sa customer. Ni-reset ko ulit ang screen para sa panibagong customer.

"H-ell... anong ginagawa mo dito?" Bwisit kong tanong sa kanya. Pwede naman sa kung saan nalang siya kumain dito pa talaga.

"Relax naman Inn, tinitignan ko lang kase kung paano ka magtrabaho."

"Hindi kita amo kaya h'wag ka ng tumingin tingin pang nalalaman. Ano bang order mo?"

"Eto naman parang hindi tayo mag kaibigan."

"Ano bang order mo? Dalian mo mag ta-time out na ko."

"Large Fries and 2 sundae, take out then pagkatapos mo isasama kita."

"Saan naman?" Pinindot ko na ang gusti niya at kumuha ako ng disposable cup para salinan ng chocolate dip. Pagkatapos kong salinan ang dalawang cup ay pumunta agad ako sa frying section at kumuha ng tamang order niya.

"Sa office ni Mae."

Tinignan ko siya saglit at kinuha ang bayad. Tinuro niya ang table malapit sa pintuan at doon siya mag hihintay sa akin. Pagkatapos kong maglinis ng post at kinuwenta na lahat ng manager ang aking nabenta ay mabilis akong nagpalit ng t-shirt at sinenyasan ko siyang lumabas na.

Napansin ko siyang nagtakip ng ilong kaya inamoy amoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho at amoy pawis. Ano namang problema nito?

"Inn, anong pabangong ginagamit mo sa trabaho?"

Ay kaya!

"Sorry, uwi muna tayo. Maliligo ako bago ako pumunta sa office ni Tita."

"Mas mabuti nga, mahihimatay ako sa pritong manok na amoy mo."

Kahit kailan ka talaga!

Malamang nagtatrabaho sa fast food kaya normal lang yan. Magtiis ka sinundo mo ko 'e!


"Dapat kase hindi muna ako sinundo at si Rangel nalang ang pinasundo mo sa akin hindi yung katulad mong maarte."

"Busy si Rangel sa school kase siya ang nag paprocess ng mga papers natin dahil exchange student tayo pare-pareho."

"Ay dapat ikaw nalang kase ang umintidi nun para hindi ka aarte arte ngayon."

"E masakit sa ilong naman kase, sumasama pa sa aircon."

"Buksan mo ang bintana nitong kotse mo para makahinga ka dyan. Baka mamaya masuka ka pa. Sa susunod h'wag mo na akong susunduin dun."

"Talagang hindi na. Why are you doing that kind of job in fast food kase? Pwede namang mag waitress ka na lang sa hindi amoy manok."

Yan ang epekto kung puro sa magagarang lugar ka lang nagtatrabaho.

"Dami mong arte, tari ka na."

Pagkauwi namin ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Mabuti nalang at hindi pakalat kalat dito ang mga royal bodyguards na kasama namin kaya hindi ako medyo naasiwa sa paligid ng mansyon.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon