Chapter 12

78 6 0
                                    


Marco's Day


Pagkarating agad namin ng parking lot sa bahay ay dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at mabilis na lumabas ng pinto ng kotse.

Ano kayang meron kay Aso? Mukha atang may malaking problema. Hayaan mo na Inn baka madamay ka pa sa init ng ulo niya. Mamaya masapak ka pa ng isang still gangster.

Dire-direstso akong pumasok sa bahay ng makasalubong ko si Ma'am Lee na mukhang bihis na bihis.

Teka huwag mo namang sabihing...

"Oh Inn, kararating mo lang ba? Where's Ahze?"

"Baka po nasa garahe pa po baka papasok na rin po yun dito."

"Ay hija nga pala, I'm going to Seoul with..."

Kasama si Ahze? Yes! Mabuti naman payapa ang weekends ko!

"Sino pong kasama niyo? Sina Raine po ba?" Nang kaninang wala ako sa mood ngayon parang nabuhayan ako ngayon ng dugo.


"Si Raynard lang hindi kasama si Ahze."


Talagang nagpaulit-ulit iyon sa utak ko.
Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa narinig ko. Bakit di pa kasama si Aso nakakainis!


"May aayusin lang kaming business at bibisitahin din namin si Anika."


"Kailan po balik niyo, Ma'am Lee?" Sana naman sa lunes na agad.


"Baka sa susunod na buwan na pero pag may kaunting problema pa baka 2 months kami dun bago kami makauwi."

Nalintikan na ako!


"Are you okay,Inn?"

"Po? Opo naman." Ngumiti nalang ako ng pilit.


"Edi January na po sa susunod na taon po kayo makakauwi o kaya po February na po?"

"Oo ganun na nga. O sige na, Inn I have to go, inaantay kase ako ni Raynard sa office niya."


"Sige po ingat po kayo ni Sir at pwede po bang pakamusta rin po kay Anika."

Nginitian ako ni Ma'am Lee at hinawakan niya ang kanang balikat ko.

"Oh sige Inn, tawagan mo nalang ako pag may emergency ha at syempre tungkol din kay Ahze."


"Ah... sige po ingat kayo."


Lumakad na si Ma'am Lee palabas ng pintuan at kasunod niya ang isang bodyguard na dala-dala ang mga bagahe niya.


Edi hindi sila dito magki-christmas at bagong taon, kawawa naman si Aso.


Ano ka ba Inn tumigil ka dyan, wala ka ng pake kung anong nararamdaman niya basta nagsisilbi ka lang sa kanya... period... period...


Period...


Napatayo ako ng maayos ng pumasok  si Aso sa bahay at halatang wala talaga siya sa mood. Napatingin siya sakin at sinalubong ko naman yun para wala ng gulo.


Sumasabay pa ang tensyon ng aming mga tingin sa tahimik na paligid. Bakit wala sila Manang Cheng o kaya si Manang Mina o kaya yung iba pa dito sa bandang sala.

Ako na agad ang umiwas ng tingin sa kanya at tinalikuran siya at nagsimula na akong humakbang papuntang kwarto namin nina eomma. Napakatagal kase magsalita!

"Stop walking, Jhazilyn." Halos umecho ang boses niya sa buong kabuuan ng sala.

Napahinto naman ako sa paglalakad pero di ko pa siya nililingon.


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon