Chapter 18

73 6 0
                                    


Unexpected


"Inn, anak!" Tinig ni mama mula sa labas.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si eomma sa kusina.

"Ma."

"Oh, anak maiwan muna kita dito hane?"

Agad na kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Isasama ako ni Manang Mina sa Tagaytay."

"Tagaytay?!" Gano'n nalang ang gulat ko ng mabanggit ni Eomma ang lugar kung saan talaga kami nakatira.


"Tumawag kase si Ma'am Lee at pinapasabing linisin daw namin ang masyon nila sa Tagaytay."

Pero teka sabihin ko kaya kay eomma kung pwedeng sumama. TAMA!


"Eomma?"

"Oh?" Sagot niya sakin habang nagbabalot ng kung ano anong mga panlinis.

Pinatong ko ang dalawa kong siko sa lamesa at pinatong ang baba ko sa kamay ko.

"Pwede ba akong sumama, Eomma?"


"Hindi pwede anak at isa pa—"

"Tutulong naman ako Eomma 'e!"

"Madami kami dun Inn at isa pa kung balak mong umuwi sa bahay hindi rin pwede dahil malayo dun ang hacienda ng mga Lee."

"Pero—"

"At hindi rin pwede dahil nandito si Sir Ahze at dalawang katulong lang ang nandito kaya hindi pwede."

"Eomma naman." Pagmamakaawa ko.

"Magtigil ka dyan Inn, basta ayusin mo nalang din ang serbisyo mo kay Sir Ahze hindi yung lagi mong inaaway."


"Eomma, sino po ba ang anak mo?"

"Syempre ikaw at isa pa maglaba ka nalang ng mga damit mo pagkatapos gawin mo nalang ang mga assignments mo."


"Sige na nga Ma, idamay ko narin yung mga damit mo Eomma para wala ka ng intindihin pag-uwi mo."

Teka kung aalis sina eomma ngayon papuntang Tagaytay, kailan naman ang balik nila?

"Pero Eomma kailan naman ang uwi niyo?"

"Bukas ng tanghali kung mapapabilis ang paglilinis namin."

"Eomma, ang daya naman 'e!"

"Naku isang gabi lang naman kitang hindi makakatabing matulog kaya huwag kang feeling limang taon, Inn."

Agad naman akong lumapit at niyakap si Eomma mula sa likod.

"Ma, pag talaga ako nakapagtapos ng pag-aaral hindi ka na magkakasambahay at gagawin kitang donya ng isang malaking mansyon ay hindi palasyo na."

"Asus, di ka pa nga nakaka-graduate ng high school."

"Tapos isasama na natin si Oppa Jhad tapos si Ate Reishel na rin."

"E diba hiwalay na yung dalawang yun
matagal ng taon ang nakakaraan?"

"Eomma, huli ka na sa balita, nagkabalikan na sila ni Oppa at madami naring taon ang nakakaraan."

"Ah. Ganon ba. Pero saan na nagtatrabaho si Reishel?"

"Sa Maynila na po, Eomma"

"Mabuti't nagkabalikan na sila maganda iyon atleast hindi na malungkot ang kuya mo at alam narin nila ang daloy ng buhay."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon