Chapter 30

41 4 0
                                    


Bakit

Mabilis akong kumuha ng isang white shirt para pampalit at basta sinuksok sa loob ng bag ko. Hinalughog ko rin ang mga gamit ni Eomma at kinuha ang mahahalagang papeles na ayon sa sinabi kanina.

"Jhazilyn, babe! Open the door please! Fuck! PLEASE OPEN THE GODDAMM DOOR, BABE!" Ni hindi na ako nagulat sa mga sinasabi niya dahil sa pag-iimpake. Tanging kalabog at mura niya sa labas ng pinto ang naririnig ko. Naririnig ko nang sinisigawan na niya si Manang para kuhain ang susi kaso miski si Manang ay walang masagot kundi nasa loob nitong kwarto o kaya na kay Ma'am Lee ang isa pang susi.

Ilang sandali lang ay tumigil siya kaya naglakas loob akong lumapit sa pinto at nilapat ng bahagya ang tainga para mapakinggan pa kung nandyan pa siya.

Ayon sa sinabi nung tumawag, dapat hindi ako makikita ni Raine pag-alis. Mahigpit daw na pinauutos ni Ma'am Lee. Napaatras ako ng kaunti dahil may kumatok na naman pero mahina lamang.

"Inn, lumabas ka na, umalis na si Sir Ahze." Agad ko nang pinihit pabukas ang doorknob at talagang di ko na makita si Raine sa paligid.

"Saan daw nagpunta, Manang?"

"Lumabas siya ng mabilis at narinig ko nalang ang pag harurot ng motor."

"Sige ho, Manang mauuna na po ako baka maabutan niya ako."


"O sige hija, mag-ingat ka. May tiwala ako kay Janin at syempre sayo Inn." Hindi ko na napigilang mapayakap ng mahigpit kay Manang. Alam ko, alam kong may tiwala ako kay eomma. Kaya namin ito.

"Sige po, Manang!"

"Tawagan mo 'ko 'pag nakarating ka na."



Natigilan pa 'ko sa paglakad at nilingon ko ulit si Manang.

"Sige po. Manang pakisabi nalang po kay Raine, h' wag na po siyang mag-alala sa 'kin. Hayaan niyo nalang po na malaman man niya ngayon o ako na po ang magpapaalam sa kanya." Mapait akong ngumiti at tinahak ko na palabas.

Nakita kong nandito ang kotse ni Raine at ang motor lang niya ang wala. Pagbukas ko ng gate ay nakita ko agad ang maaring sumundo sa 'kin ngayon. Malaking tao siya at halatang ma-awtoridad na tao.


"Sumunod ka sa 'kin." Sa tingin ko' y siya ang nakausap ko kanina sa telepono. Ang boses na malalim at nakakakilabot na timbre ng kanyang pagsasalita.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang nagmamaneho. Tuwid lang akong nakaupo at nakayakap sa bag ko. May dalawang ma-awtoridad din na kasama namin na nakapwesto sa likuran namin. Isang maskuladong lalaking naka-uniporme ng kulay puti at babaeng hindi mo na matatangkang lingunin siya dahil parang presensya palang niya, nakakakilabot na. Napansin ko ring may ibang lahi sila dahil sa kulay at dating ng mga postura nila o baka akala ko lang.

"JHAZILYN INN JUNG, KAILANGAN MO NANG BUMABA." Sa gulat ko'y muntik na kong mabangga sa aircon ng kotse na nasa bandang gilid sa taas. Mabuti nalang ay yakap yakap ako ng seatbelt. Nakatulog pala ako. Kahiya ka Inn!

"O-okay po," utal ko pang pagsagot.


Hindi ko maiwasang mamangha sa hacienda ng pamilyang Lee. Ni hindi ko magawang kumurap para matingnan ang buong paligid. Ang iba't-ibang kulay at klase ng bulaklak. Ang mga puno na perpektong nakahilera sa buong hacienda at sa ibang daanan. Kung maaraw man ay mas lalong lilitaw ang kagandahan nito ngunit mukhang papalubog na araw ngayon.

"Jhazilyn Inn Jung, maaari mo bang bilisan?" Striktang tawag na naman niya sa kompleto kong pangalan. Sasabihin ko sanang Inn nalang para hindi na masyadong pormal pero sa tuwing tatangkain kong tingnan ang masopistikada niyang mukha ay kinikilabutan na 'ko.


Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon