Chapter 24

51 5 0
                                    


Sembreak

"Eomma, aalis po ulit kayo?"

"Oo, pinapapunta ako ni Ma'am Lee sa Tagaytay."

Napasimangot ako ng konti at humiga ulit ako. Pinagmasdan ko si eomma habang nagsusuklay at pinupusod ito.

Napansin kong napapadalas na ang laging pag-alis ni eomma at laging papuntang Tagaytay, sa mansion ng mga Lee. May pagkakataon na gusto kong magpumilit na sumama pero lagi siyang tumutol. Mag-aral na lang daw ako at asikasuhin si Raine kung may gusto o kailangan.

Naalimpungatan nalang ako dahil sa sunod sunod na katok. Nagkusot ako ng mata at dahan dahang pumanhik papuntang pinto.

"Manang hin—" Nanlaki agad ang mata ko nang nakita ko si Raine na halatang kaliligo lang.

"Kagigising mo lang ba?" Nakangisi niyang tanong sakin habang nilalakbay ang mata niya sa katawan ko. Doon ko lang napagtanto kung ano ang suot ko. Royal blue spaghetti strap at denim short na faded blue. Dagdag pa ang buhok kong alam kong bahagyang sabog.

Tinalikuran ko agad siya at kinuha ang nakasabit na tuwalya sa gilid ng tulugan namin ni Eomma. Dire-diretso akong pumasok sa cr at doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Nakakahiya ka, Inn!" Sinabunot sabunutan ko pa ang aking buhok bago napagpasyang maligo. Matapos ng tatlongpung minuto ay binalot ko ang aking katawan ng tuwalya at binuksan ang pintuan. Buti naman ay naisipan niyang isara ang pinto ng kwarto.

Nagpunas ako ng paa sa doormat bago ako tumungo sa maliit na cabinet namin ni Eomma na nasa tapat ng aming tulugan. Kumuha ako ng mga panloob at nilapag ko muna iyon sa tabi ko. Sunod kong kinuha ang lotion at ang aking susuotin bago ako umupo sa kama. Inipon ko sa aking palad ang basa kong buhok at nilagay iyon sa kanang bahagi ko.

"Wear a jeans, don't wear a dress."

Napatayo agad ako sa pagkakaupo at dali-daling humarap sa inuupuan kong kama.

"Bakit nandito ka pa?!" Sigaw ko sa kanya. Bakit kase nakapatay ang ilaw at di man lang ginawang pailawan ang buong kwarto nito? Di ko man lang agad siya napansin!

Nakataas ang kilay niya at parang nagbabadya siyang tumawa sa harap ko. Unti-unti siyang umupo galing sa prenteng prente na pagkakahiga. Tinuon niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at nakangising nakatingin sakin.

"Jhazilyn." Usal niya. Napadako naman ang tingin ko sa kanang kamay niyang nakatuon sa kama na sobrang lapit pa sa mga panloob ko.

Hala ka!

Dali-dali akong lumapit sa kanya at kinuha ang kulay kremang magkapares na panloob ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at hinawakang maigi ang tuwalyang nakabalot sakin.

Ano ba yan Inn!

"Lumabas ka nga muna!" Bahagyang napaawang ang bibig niya at sinundan agad iyon ng ngisi.

"Ano?! Di ka ba lalabas?!" Banta ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakaupo.

"Labas!"

"Yepeoda." Tanging usal niya habang nakangisi at dali-daling lumabas ng kwarto. Sinapo ko agad ang aking mga pisngi at umupo sa pinag-upuan ko kanina.

Nakakahiya talaga!

Napansin kong umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet. Tumayo ako at nakita ko agad ang pangalan ni Raine. Sa sobrang kaba at kahihiyan ko ay nag-alinlangan pa akong tingnan ang minessage niya.

Raine

May lakad tayo ngayon. Wear a jeans and anything top na hindi makikita ang balikat, likod, at dibdib mo.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon