Chapter 4

102 13 0
                                    

IM5

"Super fan niyo ko!"

At kung ano-ano pang mga sinasabi ng isang fan ng artista.

Napangiwi agad ako sa ingay mula na kulang nalang ata mabasag ang eardrums ko sa sobrang tili nila at mas lalo pag pinagbigyan ang mga gusto nila.

"Ano yung grupong IM5?" Tanong ko kay Rosielyn.

"IM5 stands for Ideal Man 5."


Habang dinedescribe ni Rosielyn ang IM5 pinagmamasdan ko sila sa malayo.


Si Aso ba yun tapos si Ano... sino nga pala yun?

"Ang nasa likod na nasa bandang kaliwa ay si Christan Mark Jimenez, siya'y tanyag na isang casanova ng grupo."

Halata naman sa mukha niya yung kahit sinong babae o kahit mga bakla ay talagang maglalaway at magnanasa sa mala-adonis niyang kagwapuhan.

"Nakikinig ka pa ba dyan, Inn?"

"Ha? Oo naman."

"Yung kalapit naman niya ay si Brixz Jhayson Chavez, ang gamer sa kanila, mapalarong technology at maging sa mga babae."

Ano 'to porket mga gwapo talagang mga babaero?

Sa totoo lang talaga hindi ko pa sila makita ng harap-harapan dahil natatabunan sila ng mga fans nila pero paglalakad sila parang umiiwas na sila sa daanan nila.

"Yung nasa pangalawa naman sa unahan sa bandang kaliwa ay si Marco Kinowa Oda, half japanese at half filipino ang pinakabata sa grupo pero siya ang magaling pagdating sa mga indoor games." At sa wakas nakita ko na rin sila. Halos magkakasingkulay lang sila at magkakasing tangkad.

"Yung nasa kanan naman ay ang crush kong si Riku Charles Dela Rama, half taiwanese half filipino top 2 na nga, singer at musician pa." Talagang kinikilig siya habang binabanggit niya yun.

Riku Charles Dela Rama pala ha...


"And the last but not the least ang nasa gitna na si Ahze Raine Lee, half korean half filipino ang leader nila at ang may pagka-ganster kung umasta sa kanila. Isa rin siya sa mga lalaking apo ng Chairman at CEO ng Lee State University kaya kung sino man ang kumalaban sa kanya automatically may mangyayaring hindi mo rin gugustuhin."


"Ano so anak siya ng director dito?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Yup kaya kinakatakutan ng lahat yan at never pinagbigyan ang mga request ng mga fans nila pagdating sa kanya. "


Bakit di ko agad naisip na may kaugnayan ang school na 'to kay Aso.... 'Lee' nga diba, Inn?


"Napansin mo rin bang may gold star sila sa gilid ng nameplate nila? Yan ang tanda na galing ka isang special section. Actually may iba't-ibang kulay yan depende kung anong grade level ka."

Yan pala ang symbol nun.

Malapit-lapit na rin sila sa banda namin ng nagtama ang mata namin ni Aso. Pinunta ko agad ang likod ang kamay ko dahil baka mapansin pa niya.

Hahakbang na sana ako palayo dahil ayaw kong maharap itong asong kinaiinisan ko.

"Huwag mo subukang harangin ang daan nila."


"Ha?" Medyo nagloading pa ako at parang medyo O.A. kaso kanina ko pa rin napapansing walang dumadaan o humaharang na mga fans sa dadaanan nila.

Ano 'to? Yung sikat na sikat na taiwan series?

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon