Chapter 45

42 2 0
                                    


Everything

"Pasensya na pero hindi pwede, Raine."

Kumunot ang noo niya at tila isang palaisipan ang sagot ko. Tama lang naman ang sinabi ko. Walang bahid ng kamalian dun. Pwede bang maisip niya na may maghahatid na sa akin. Bakit kailangan pa niya akong ihatid? Ihatid niya ang girlfriend niya.

"Bakit ayaw mo?"

Nang maramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya ay agad akong kumalas. "Raine, hindi mo obligadong ihatid ako pauwi. Hindi pwede dahil pangit tingnan."

"Bakit pangit tingnan? Huh?"

"Raine, may girlfriend ka may boyfriend ako at alam kong alam mo na rin ang tungkol dun. Kaya dapat yung girlfriend mo ang ihatid mo pauwi at hindi ako. Naiintindihan mo?"

Nakuha pa niyang ngumisi at di-alintana ang mga sinabi ko. Yung totoo, sinasagad ba niya pasensya ko?

"I just accompany to you to your home. There's no problem with that. Shouldn't I be the one who ask you 'naiintindihan mo ba?' As if you truly in a relationship to that asshole?"

Alam kong nahalata niya ang gulat ko. Paano naman nalaman ng lalaking ito?  Mas lalo pa siyang ngumisi at tila nanalo sa isang logic problem solving contest o kaya ay isang detective na hinuhuli ang isang nagmamaang-maangan na kahit nahuli na sa akto.

"Boyfriend ko siya, Raine. Ang mabuti pa ay umalis ka na rito at hanapin mo ang girlfriend mo tsaka mo ihatid sa bahay nila. Tapos ang usapan."

"Jhazilyn."

"H'wag mo na ulit akong tatawaging Jhazilyn. Simula din ngayon ay hindi na kita tatawagin sa pangalawang pangalan mo."

"No, you'll still call me by my second name. And–"

"Umalis ka na, Ahze."

Umigting ang panga niya at madilim akong tinignan. "I just want to talk, Jhazilyn. Kahit ngayon lang. Pwede ba yon?"

Mariin ko siyang tinignan."Please, umalis ka na."

"Bakit ba lagi mo nalang akong iniiwasan? Jhazilyn–"

"Umalis ka na, pwede ba? Wala na tayong dapat pag-usapan pa. At tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Jhazilyn. Tapos na tayo kaya–"

"Hindi pa tayo tapos Jhazilyn dahil wala pa tayong nasisimulan!"

"Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis!"

Hindi ko siya maintindihan. Bakit pa namin kailangang mag-usap at anong sinasabi niyang wala pa kaming nasisimulan.

Mabilis na umagos ang luha ko sa magkabilang pisngi ko. Huli na para mapigilan ko ang nararamdaman kong sakit. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya mula sa likod ko. Naramdaman ko ang ulo niyang nasa balikat ko.

"R-raine."

"Why do you always leave me? May mali ba sa akin na kailangan mo pa akong iwanan? Ha, Jhazilyn? Sabihin mo sa akin para hindi mo na ako iwan."

"Raine, anong sinasabi mo? Bitawan mo ko!"

Mas lalo pa niyang hinigpitan na talagang hindi ako makakawala.

"Raine, makikita tayo ni Jade!"

"I don't fucking do cares, Jhazilyn. Just please tell me what is my wrong. Am I not enough, Jhazilyn?"

"Raine, may girlfriend ka!"

"Didn't you still love memn?"

Bakit kung kailan pasuko na ako sa nararamdaman ko para sayo tsaka ka pa nagparamdam sa akin ng ganito. Mali 'to. May girlfriend siya!

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon