Chapter 15

68 6 0
                                    

Sorry


Ngayong martes ay mas nauna sakin umalis si Aso, mas maganda na rin yun para makakilos din ako ng maayos at walang kinaiilangan.

"Inn, di ka ba magbabaon ng pinaltok?" Pahabol pa ni eomma sakin.

"Ay Eomma nakalimutan ko sige Ma, magbabaon ako." Sinukbit ko na yung bag ko at inaantay ko nalang yung babaunin kong pinaltok.


"Buti naubos mo yung binaon ko sayo ang dami nung nalagay ko dun... teka humingi ba sayo si Sir Ahze?"


"Hindi Eomma tinulungan ako nung kaibigan kong kainin yung baon ko kahapon."

Bigla ko tuloy naalala na may baon pala akong pinaltok.


"Riku?"

"Oh ano yun may tanong ka pa ba?"


"Ah magcacafeteria ka ba?"



"Hindi narin siguro tinatamad na akong lumabas 'e" Nginitian naman niya ako.



Oh that's smile!


"Ahh... kumakain ka ba ng pinaltok?"



"Pinaltok? Yan ba yung may langka tapos may sago?"


"Oo yun 'yon, kumakain ka ba nun?"

"Oo bakit may dala ka ba?"

"Ah oo pinabaon sakin ni Eomma."

"Ang sweet naman ng mommy mo buti may time pa para lutuan ka niya."


"Oo naman sweet nun parati kahit minsan binubungangaan ako nun dahil kay A..." Di ko na pinagpatuloy ang sinasabi ko dahil baka may masabi pa ako na dapat isang sikreto lang.

Kinuha ko yung baunan sa bag ko at binuksan yun.

"Eto yung pinaltok." Pag-chachange topic ko.

"Wow, parang masarap 'a! Pwede bang patikim na?"

"Oo naman." Inabot ko sa kanya yung kutsara at agad na kumuha ng langka.

Siguro favorite niya talaga yung langka.


"Grabe Inn pwede bang magbaon ka ulit nito bukas tapos sabihin mo pakidamihan na, grabe ang sarap."


"Oh sige ba, di naman magrereklamo yun."



Hinayaan ko lang siyang subuan ako dahil bukod sa iisa lang yung kutsara ay parang gusto niya siya pa yung makaubos.


Grabe ang simple simple talaga ni Riku, kahit sabihin mong mayaman siya walang kaarte-arteng kumain siya ng pinaltok ni eomma at kahit iisa lang kutsara namin.

"Oh dinamihan ko ito para bigyan mo din si Sir Ahze." Inabot sakin ni eomma ang nakaplastik na baunan.

"Eomma, di naman ata iyon kumakain ng ganto, alam mo naman yun baka magloko pa ang tyan niya kasalanan mo pa."

"Anong di kumakain Inn? E kahapon kung hinintay mo yun eh nakadalawang mangkok nga ng pinaltok yun at wala siyang karekla-reklamo." Masiglang sabi sakin ni eomma.


"Ganun po ba? O sige po alis na ako, Eomma."


"Sige mag-ingat ka." Sinarado na ni eomma yung gate.



Di ako makapaniwalang kumakain pala yung mayabang na yun ng pinaltok.


Habang naglalakad ako sa daan para makahagilap ng jeep na pwedeng sakyan ay parang pakiramdam ko may sumusunod sakin.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon