Epilogue

106 3 9
                                    

Thank you for supporting and love this story. This is the first installment of Lee State University series. Hope you join me 'till the end :) Saranghaeyo Unniesss

________________________________
________________________

Epilogue


Mabilis ang mga pangyayari buhat nang araw na pumunta kami sa resort ni Kuya Skylar. Pakiramdam ko nagpunta kami roon hindi lamang para mag-relax kundi isawalat lahat ng mga dapat malaman upang maliwanagan. Para bang nakatakda ang mga araw na 'yon para sa realisasyon at katotohanan.

Ilang linggo na rin ang lumipas na nagkausap na kami ng masinsinan ni Jade. May parteng naiintindihan ko siya kaya niya nagawa ang mga bagay na 'yon at sa totoo lang ay hindi ko man lang magawang magalit sa kanya pagkatapos nang ginawa niya. Dahil din naman kase sa kanya kaya kahit papaano naging masaya si Raine. Ngunit mali pa rin ang pagsisinungaling niya na pinatagal pa niya ng ilang taon.

Nabalitaan ko na lamang kay Raine na lumipad siya kasama ang kapatid niya sa Canada. Doon niya ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Ngunit sa kabila nang lahat ng mga nangyari, mas naging komplikado ang lahat. Dahil nahihirapan na kaming hanapin ang dating naging consort ni Lolo at kung nasaan sila ng kanyang anak. Pakiramdam ko alam nila ang mga galaw namin dahilan para magtago sila nang mabuti. Para bang may mga mata sila sa palagid na hindi namin nalalaman. Posible kayang may mga kasabwat sila na kaanib namin?

Pero kahit na ganoon ay hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko, miski na ang magkapatid na halos hindi na kami nagkakausap nang matagal ng personal sa bahay dahil sa paggagahol ng oras para sa sari-sariling klase.

"Happy hearts day, Babe."

Muntik ko pa siyang nasapak dahil sa pabigla-bigla niyang pagsasalita sa tenga ko na kung saan ay nasa likuran ko na pala siya. Narinig ko agad ang mga hagikgikan nina Christan.

Eto pala ang balak nila kaya may pa-blind pole pa. Nagtaka ako nung una bakit panay kami akyat-paanog. Iyon naman pala ay ito ang naghihintay sa akin sa roof top, building ng junior high school.

Nakatayo siya sa harap ko habang may malawang na ngiti na para bang nagtagumpay sa kanyang plano. Nilibot ko ang tingin ko at doon ko lamang napagtantong papalubog na pala ang araw kaya unti-unting nagsiilawan ang mga maliliit na ilaw na nakapaligid sa buong pader ng roof top at ang pinaghandaang simpleng lugar na punong-puno ng mga bulaklak.

"At nilalanggam na naman tayo," aniya Christan.

"Napaka-bitter mo, Tantan! Magseryoso ka na kase sa mga babae!" Bwelta pa ni Brixz.

"Naku, asa ka d'yan kay Christan!" apila agad ni Riku.

"Magtitino na ako pag si Inn ang naging girlfriend ko!" Buong lakas na isinigaw ni Christan.

"What the fuck are you?!" Sa kaninang nakangiting si Raine ay siyang ngayong pagsalubong ng kilay niya at susugod pa sana kay Christan kung di ko lang siya napigilan.

Nakisali na rin ako sa hagikgikan nina Marco kahit na pinipiit ko si Raine. Hindi talaga siya magpapatalo!

"Sa akin na dapat siya pero inagaw mo! Mang-aagaw ka!" Dinuro pa niya si Raine na mas lalong pinagtawanan namin.

"Bitawan mo 'ko, Babe. Gusto ata nitong makaranas makarating agad sa pintuan ng langit," seryosong aniya Raine.

"Wala pa siya sa pasilyo papunta do'n, ni-kick out na yan! Ayaw daw ni San Pedro ng mga ganyan!" Aba't sumuporta pa si Riku.

"Magsitigil na nga kayo! Ang mabuti pa ay simulan na nating kumain dahil maggagabi na!" Suway ko sa kanila tsaka ko binitawan si Raine.

"Picture muna!" Aniya Marco.

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon