Chapter 20

63 5 0
                                    


Caught up

"OH BA'T PARANG PINAGSAKLUBAN KAYO NG MUNDO, 'NAK?" Tumayo agad ako pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Ma, mauna na po ako."

"Di mo ba hihintayin si Sir Ahze, patapos na yun mag-ayos panigurado."

"May dadaanan po kase ako Eomma kaya mauuna na po ako sa kanya."

"Eh sayang ang pamasahe, Inn."

"Eomma, mauna na po ako sabihin niyo nauna na po ako." Niyakap ko si Eomma saglit at tumungo na ako papuntang labas.


Pagkalabas ko ng gate ay laking gulat ko na tumambad sa harap ko si Raine na nakasandal sa pintuan ng kotse habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Ilang sandali pa akong natulala sa kanya bago ko naisipang humakbang paalis. Pero sadyang mabilis siya ay hinigit niya ako palapit sa kanya. Kaya't tumama ako sa dibdib niya. Akala ko ganoon parin ang posisyon namin pero pinagpalit niya ang pwesto namin kung saan nasa pagitan ako ng dalawa niyang brasong nakasandal sa bandang taas ng bintana.

Amoy ko ang mamahaling pabango niya. Habang papatagal ay parang naamoy ko na sa aking sarili ang amoy niya. Oo, aaminin kong hindi ako sanay sa mga pabango ng mga lalaki pero bakit sa kanya ay halos di ko mapigilang langhapin sa sobrang bango.


"Are we going back to the old days when you were avoiding me, Jhazilyn?" Tanong niya sakin na sa palagay ko ay hinuhuli niya ang mata ko. Nanatili naman akong nakatingin sa necktie niya na ka-level lang ng ulo ko.

"Jhazilyn."


"Look at me, Jhazilyn."



Dahan-dahan naman akong nag-angat ng tingin sa kanya hanggang sa magkatinginan na kami.

"Raine, malalate na tayo sa school." Kabado kong paalala sa kanya.


May halong inis at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Inis dahil sa ginawa niyang pagsasalita kay Rayn kagabi at kung bakit nakaabang na siya dito para di ako makaalis mag-isa. Kaba, dahil tinutukso na naman ako ng sarili ko ng amoy niya, yung tingin niya, at kung paano niya ako nakakausap ng ganto kalapit.


"Let's talk... right now."


"Raine, malalate tayo kung mag-uusap pa tayo ngayon." Kalmado kong sabi sa kanya. Akma akong tumalikod sa kanya para buksan ang pintuan papasok sa passenger seat pero laking gulat ko na halos wala ng espasyo sa pagitan namin dahil niyakap niya ako sa likod!


Halos maipon ang lakas ko sa paghigop ng hininga nang mas yumakap pa siya sakin ng mahigpit. Naramdaman ko nalang ang ulo niya na nasa balikat ko at nakabaon sa leeg ko. Nanlaki naman ang mata ko ng naramdaman kong huminga siya doon.


"R-raine."

"Huwag mo naman akong iwasan ng ganito."

Bakit hindi ko siya magawang itulak?!!

"Hindi ko lang kase kayang makita kang kasama ng iba at makita kang ngumiti sa iba."

"Raine, ano na naman bang drama yan?"

"Can you be mine, right now?" Mas lalong humigpit pa ang yakap niya at mas lalong naramdaman ko ang mukha niyang nakabaon sa leeg ko.

"R-aine."

"Hmm." Nakuha pang sumagot ng ganon.

"Pwede bang lumayo ka muna?"

"Hmm."

Lee State University Series #1: After Many Years  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon